'Ano ang sintomas na may bato sa urinary bladder?'
“Dr. Elicaño, ano po ang palatandaan na mayroong bato sa urinary bladder?” — SANTIAGO BAUTISTA, Dapitan St. Sampaloc, Manila
Ang mga sintomas na may bato sa urinary bladder ay masakit na pag-ihi, pagkaramdam na maiihi ngunit ga-patak lang ang inilalabas, may dugo sa ihi, pananakit ng puson at ang pagkakaroon ng lagnat. Nagkakalagnat dahil may infection. ?Kapag ang mga bato ay masyadong malaki na, hindi na ito sasama sa ihi. Isasailalim sa operasyon ang pasyente. May dalawang paraan sa operasyon --- ang lithoplaxy at lithotomy. Sa lithoplaxy, lalagyan ng instrument ang bladder na padadaanin sa urethra. Babasagin nito ang stone sa maliliit na piraso para mailabas. Sa lithotomy, direktang aalisin ang stones sa pamamagitan ng incision
Ang pag-inom nang maraming tubig ay ipinapayo sa mga may bladder stones. Dapat mag-adjust sa kanilang diet ang may bladder stones. Kumunsulta agad sa doktor para maagapan ang pagbubuo ng stones.
* * *
‘‘Dr. Elicaño, paano ba naisasalin sa kapwa ang tuberculosis ?’’ – MANUEL LUARCA, Cubao, QC
Naisasalin sa kapwa ang tuberculosis (TB) sa pag-ubo at paghatsing. Mycobacterium tuberculosis ang dahilan ng TB. Mahalaga ang pagtatakip sa bibig kung uubo at hahatsing para hindi makahawa.
Mayroong may TB na walang sintomas na nakikita. Para makatiyak na may TB, ang pagpapasuri sa doktor ang nararapat. Ang doktor ang magsasabi kung TB nga ang sakit. Ginagamot ang TB sa pamamagitan ng antibiotics. Anim na buwan ang gamutan sa sakit na
Para makaiwas sa TB ang pagkain ng mayaman sa Vitamin 12 ang inirerekomenda. Mayaman sa Vitamin 12 ang itlog, isda, dairy foods, sariwang prutas at gulay, karne., mga pagkaing butil, sariwang gulay at prutas.
Ang nutrients ng mga pagkaing nabanggit ay sapat na para maprotektahan ang katawan sa TB.
- Latest
- Trending