^

PSN Opinyon

Resign na kamo sa BI

ORA MISMO - Butch M. Quejada - The Philippine Star

Nakakahiya man isipin pero hindi pala kaya nina BI Commissioner Ric David at Atty. Tonette Mangrobang na hulihin pa sa ibang place abroad ang mag-utol na Joel at Mario Reyes na mga pugante na sa Philippines my Philippines dahil sangkot ang mga ito sa pagtigok kay Gerry Ortega, isang batikan broadcaster sa Palawan na bumabatikos sa administrasyon ng puganteng si dating Gov. Joel Reyes.

Bakit?

Sagot - ang Department of Justice at Philippine National Police na lang daw ang siyang tumugis sa dalawang pugante dahil aminado na hindi kaya ng immigration na kunin pa sila.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, aminado daw si David na wala silang kakayahan para tiktikan ang galaw ng dalawang takas na pugante.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kumpirmado na umalis ng Philippines my Philippines ang dalawang pugante sakay ng eroplanong Cebu Pacific papuntang Vietnam pero ngayon naman daw nasa Phuket, Thailand si puganteng Joel.

Naku ha!Sabi nga, nagliliwaliw sa abroad.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi na siguro masiadong magpapa-praise release sina David at Mangrobang matapos silang sermunan ni P. Noy sa kanilang anibersaryo the other day.

Sabi nga, puro kasi porma!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malaki ang intelligence fund ng immigration na nakukuha nina David at Mangrobang dahil ang huli ang tsip ng Intelligence Division ng buong bureau pero ano ang nangyayari sa kanilang operasyon?

Sabi nga, palpak!

Panahon na siguro para busisiin ng mga mambabatas sa Kongreso ang mga opisyal ng Bureau of Immigration kung saan nila dinadala ang intelligence fund para mabigyan linaw ang mga nangyayaring puslitan ng mga high profile fugitive at operation ng mga foreigner sa iba’t ibang katiwalian.

Katulad na lamang ang nangyaring pagtakas ni Kim Tae Dong, isang Korean fugitive na under hospital arrest sa St. Luke’s Hospital dyan sa Global City nawala ito parang bula noon pang nakaraan taon at hindi na hinanap up to now.

Dahil sa pangyayaring pagkawala ni Kim Tae Dong naggagalaiti ang Korean government kung paano ito naglaho.

Kaya pala naasar si P. Noy dahil nakarating sa kanyang kaalaman ang kapalpakan ng mga opisyal sa Bureau of Immigration kaya naman sermon ang inabot ni David dito.

Sabi nga, nakakahiya!

Hindi biro ang bisita nina David at Mangrobang noon 72 anniversary ng BI bukod kay P. Noy andoon siempre ang mga matataas na opisyal ng gobierno katulad halimbawa ni “King Cobre’ na kilalang - kilala ni Commissioner sa mga sermon na binitiwan ng Pangulong Aquino parang hindi nakagalaw ang ‘bigote’ ni Ric sa kahihiyan. Hehehe.

Sa tingin ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang siguro masabi ng harapan ni P. Noy kay David na kung hindi mo kaya at pakaang-kaang ka dyan sa tanggapan mo magbitiw ka na.

Dismayado si P. Noy sa mga ‘praise release’ na nagawa ni David at ilang opisyal nito sa bureau kasi ikinuento isa-isa ni Commissioner ang naging achievements niya at ibinida pa rin ang mga plano nito sa BI.

Ika nga, mas marami pang makakatakas? Hehehe!

Ano kaya ang magandang performance ni David sa bureau na puede niyang ipagmalaki kay P. Noy?

Siempre ang pagkawala ni Kim Tae Dong, Reyes brothers at ang may 372 Taiwanese at Chinese na sinakote ng CIDG dahil sa mga kagaguhan ginagawa at ang Philippines my Philippines ang sinasangkalan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, itinago pa sa media ang pagtakas ni Kim Tae Dong at siguradong hindi inireport ito sa Malacañang kaso sumingaw ang lihim na tinatago nina David at Mangrobang at naamoy ng mga reporter na hindi nila nagawang itikom ang mga bibig kaya pumutok at hindi na maawat.

Ika nga, nataranta na sila!

‘sino ang kumita kay Kim Tae Dong? Magkano ang kinita?’ Tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘Nasaan na nga pala David at Atty. Mangrobang si Kim Tae Dong?’ tanong ng kuwagong inapi sa bureau.

‘Ano ang nangyari sa intelligence networking ng Bureau of Immigration, Atty. Mangrobang?’

‘Sino ba ang naka-BMW ngayon sa bureau na ipinaparada pa sa isang Mall bago pumasok sa central office ng Immigration?’ tanong ng kuwagong haliparot.

‘Maayos bang ginagamit ang intelligence fund para sa operasyon?’ Ano sa palagay mo Jerome Gabionza?

Para malaman at muling mabasa ng madlang pinoy ang sermon ni P. Noy sa 72 anniversary ito ang sermon ni P. Noy sa ilalim ng pamumuno ni David ‘kitang-kita sa nangyari ang pagkukulang sa pagtupad sa tungkulin. High profile na nga ang mga salaring ito, ipinalabas sa lahat ng media ang kanilang mukha, pero tila walang kahirap-hirap pa rin silang nakatakas.

“Puwede po bang mangyari yun nang walang kuntsabahan, at kung walang natutulog sa pansitan? Kung nakakalusot sa batas ang mga kontrobersyal na indibidwal, paano pa kaya yung iba pang di gaanong kilala at gumagawa ng kalokohan?’

ANO

BUREAU OF IMMIGRATION

DAVID

KIM TAE DONG

MANGROBANG

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with