Tapusin na
KASALUKUYANG ginaganap sa Senado ang public hearing patungkol kay DILG Usec. Rico Puno. Pagkakataon na ito upang maihinga ni Puno ang kanyang posisyon para sa kaalaman ng lahat. Napakaraming open-ended questions na naghahanap ng kasagutan.
Mistulang convicted na si Puno sa mata ng publiko. Hindi naman masisisi ang tao dahil tikom ang bibig ni Puno sa harap ng lahat ng paratang. Kawawa rin naman siya dahil hindi siya dapat husga han ng walang pruweba. Sa araw na ito, sa wakas ay maliliwanagan ang lahat at malilinis niya ang kanyang pangalan.
Sayang at hindi makadalo si Ma’m Leni Robredo. Tama rin naman na hindi siya humarap dahil kung may masasabi man ito na nalaman nya mula kay Sec. Jesse ay hindi rin naman maaring bigyang timbang ng Senado. Ang tawag dito ay hearsay -- dahil hindi maa-ring makuwestiyon ang source ng ebidensiya, hindi rin makatwirang isama ito sa usapan.
Respetuhin natin ang pagluksa ng pamilya. Naalala ko nung matagal na burol ni Sec. na may isang gabing exclusive sa mga Cabinet members at kanilang mga misis. Ako’y anak ng 5 time Cabinet member. Saksi ako sa hirap din na dinadanas ng mga magiting at martir na maybahay ng mga dakilang lingkod bayan. Napakalaki na ng isinakripisyo ng pamilya ni Sec.
- Latest
- Trending