^

PSN Opinyon

'Malaysia backdoor trafficking' (Part 1)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - The Philippine Star

Malaking operasyon ang ikinasa ng BITAG kasama ang mga operatiba mula sa Department of Justice Inter-Agency Council Against Trafficking nitong buwan.

Ilang linggo ring masusing pinag-aralan at inimbestigahan ng grupo ang sumbong mula sa mga kamag-anak ng dalawang dalagang iniipit umano ng kanilang employer sa bansang Malaysia.

Sa tala ng National Bureau of Investigation, tinatayang umaabot sa mahigit isang milyon ang bilang ng mga biktima ng human trafficking sa bansa. Malaking porsiyento sa mga nabibiktima sa human trafficking ay kababaihan at kabataan.

Ayon sa hepe ng IACAT na si Atty. Jonathan Lledo, kadalasang kababaihan ang nahuhulog sa patibong ng mga dorobong recruiter dahil itinuturing silang mas vulnerable kumpara sa kalalakihan. Sinasamantala ng mga sindikato ng human trafficking na akitin sa pamamagitan ng paglalatag ng mga pangako sa kanilang mga target ng madali at malaking kitang hanapbuhay.

Subalit sa kasalukuyan, hindi lamang mismong ang mga target na biktima ang kinakausap ng mga recruiter para ipuslit at pagtrabahuhin sa ibang bansa. Una sa listahan ng mga kolokoy ang panliligaw sa mga kapamilya o malapit na kamag-anak ng kanilang mga posibleng biktima.

Kaya naman nagiging madali lalo sa mga dorobo na kumbinsihin ang kanilang target dahil sa tiwalang ibinibigay ng mga kapamilya at kamag-anak nito. Dahil sa walang sapat na edukasyon at kaalaman sa impormasyon ang karamihan sa ating mga kababayan, marami pa rin ang nahuhulog sa silo ng mga kawatan.

Nangunguna sa listahan ng may pinakamalaking konsentrasyon ng mga babaing nasasad­lak sa human trafficking ang bansang Malaysia. Sa kasaluku­yan, itinuturing ang Pilipinas na “Hotbed” ng mga illegal recruiters na nagpupuslit ng mga kababa­ihan palabas ng bansa.

Ito ang kinahinatnan ng dalawang dala­gang naging biktima ng human trafficking na inakalang waitress lamang ang trabahong naghihintay sa kanila sa Malaysia pero nauwi lang sa pagbebenta ng sariling laman.

* * *

Para sa inyong mga sumbong at tips tumawag sa 9325310 o 9328919 o magpadala ng text message sa 09192141624 o mag-email sa [email protected] o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City mula Lunes hanggang Biyernes alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

AGENCY COUNCIL AGAINST TRAFFICKING

AYON

BIYERNES

JONATHAN LLEDO

KALAW HILLS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY

SYJUCO BLDG

TANDANG SORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with