^

PSN Opinyon

Ang FDA

- Al G. Pedroche - The Philippine Star

Low-profile man, ang Food and Drug Administration (FDA) ay importanteng ahensya ng pamahalaan. Ito ang sumusuri sa mga produktong pagkain at gamot para maseguro ang kaligtasang pangkalusugan ng mga consumers. Ito rin ang nagpapataw ng mga regulasyon sa distribusyon ng anumang uri ng gamot sa bansa.

Kamakailan ay nakakuwentuhan ko ang aking kaibigang brodkaster na si Rolly Gonzalo at napaksa namin ang pagkakatalaga ni Presidente Noynoy Aquino kay Dr. Kenneth Hartigan-Go bilang bagong director ng FDA. Si Rolly ay party-list nominee ng Alyansa ng Media at Showbiz at presidente ng Philippine Inventors Society. Aniya hindi nararapat sa posisyon si Go at dapat irekonsidera ng Presidente ang ginawang pagnombra sa kanya.

Nang itanong ko kung bakit, sabi niya, si Go ay dating nanungkulan sa isang malaking pharmaceutical company na Zuellig. Dagdag niya na sa ilalim ng RA 3720, diskuwalipikadong hirangin bilang director-general o deputy director general ang sinuman kung bago ang appointment, siya ay naglingkod sa pribadong kompanya na maaaring magkaroon ng direct conflict of interest. Kailangan muna umanong palipasin ang tatlong taon mula nang mawala sa tungkulin bago ito mahirang.

Sabagay mukhang may katwiran. Ang FDA ang nagbibigay ng go-signal sa anumang produktong gamot bago maisapamilihan sa bansa. Posible nga namang magkaroon ng bias ang isang director ng FDA sa kompanyang dati niyang pinaglingkuran.

Dagdag ni Rolly, umaapela siya kay Pre­sidente Aquino na bawiin ang appointment ni Go at ikonsidera ang mga dahilang nabanggit niya.

Kaya nga naman mayroong batas ay bilang proteksyon ng mga mamamayan laban sa posibleng exploitation ng mga multinational companies na gumagawa ng mga gamot.

Si Go ay dating nagsilbi sa Zuellig Foundation na isang sangay na pinopondohan ng Zuellig Pharma.

vuukle comment

DAGDAG

DR. KENNETH HARTIGAN-GO

DRUG ADMINISTRATION

PHILIPPINE INVENTORS SOCIETY

PRESIDENTE NOYNOY AQUINO

ROLLY GONZALO

SI GO

SI ROLLY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with