^

PSN Opinyon

Harapan

K KA LANG? - Korina Sanchez - The Philippine Star

MAGKAKAROON ng miting ng mga pinuno ng mga miyembrong bansa ng Asia Pacific Economic Coope­ration (APEC) sa Vladivostok, Russia sa darating na linggo. Taun-taon ginaganap ang pagtitipong ito ng mga pinuno ng 21 miyembro ng APEC. Nagiging tradisyon nga ang pagbihis sa pambansang pananamit ng bansa kung saan ginaganap ang miting. Katulad ng pagbihis sa Barong Tagalog ng lahat ng pinuno noong nandito sila sa Pilipinas. Kung ano ang ipasusuot sa Russia ang aantabayanan natin.

Pero bukod sa karaniwang pag-uusap ukol sa kalakalan at ekonomiya sa pagitan ng mga miyembrong bansa, inaasahan na mag-uusap nang harapan si President Aquino at si President Hu Jintao ng China ukol sa “problema” sa karagatan ng Kanlurang Pilipinas, pero ayon sa mga opisyal ng DFA, hindi iyon ang pakay ng Pilipinas at hindi nila ito ilalabas sa mga usapin, dahil baka maging sanhi lamang ng tensiyon sa pagtitipon. Ekonomiya sa pagitan ng ating bansa sa China ang pakay nila sa Russia. Nais nilang mahiwalay ang pulitika sa mga pakay ng ekonomiya, hangga’t maaari. Kung may mag-aangat ng isyung ito, baka manggaling sa China na raw iyon.

Pero sana, kung mag-uusap naman ng harapan ang mga pinuno ng dalawang bansa, at mapag-usapan nga ang “problema” sa karagatan ng Kanlurang Pilipinas, ay humanap na sila ng solusyon o kasunduan kung saan lahat ay panalo, hindi lamang isang bansa. Huwag naman sanang mag-usap kung saan magtataasan ng boses, kundi mahinahon at disenteng pag-uusap. Masyado nang matagal ang problemang ito, kung saan tila dumadami na ang mga bansang may kaugnayan sa problema. Nagkakaroon na nga ng panigan sa isyu mula sa mga ibang bansa, at hindi maganda iyon dahil baka mauwi lamang sa pormahan sa karagatan!

At kung may mapagkasunduan ang dalawang pinuno ukol sa mga problema sa karagatan, sana ay masunod ito nang tapat. Hindi yung magkakasundo lamang dahil magkaharap. Ang suma naman ay ang salita ng pangulo ang masusunod, hindi yung mga taong nakapaligid sa kanya. Kung matibay ang loob ng isang pinuno, ang kanyang salita ay sapat para sundan ng lahat. Maliban na lang kung mahina ang pinuno at may mga mas malakas ang boses sa kanyang administrasyon. Hindi naman ganun ang sitwasyon sa ating gobyerno. Sana ganun din sa China.

ASIA PACIFIC ECONOMIC COOPE

BANSA

BARONG TAGALOG

KANLURANG PILIPINAS

KUNG

PERO

PILIPINAS

PINUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with