^

PSN Opinyon

Ang kalinisan ng puso't isipan

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - The Philippine Star

Laganap ngayon ang mga sakit na galing sa maruming tubig na hatid ng bagyo’t baha. Unahin ng pamahalaan ang kapakanan ng mamamayan lalo na ang kalusugan. Hinihikayat ang lahat na magtulungan para maiwasan ang mga sakit.

May kaugnayan ito sa mga pagbasa ngayong ika-22 linggo sa karaniwang panahon ukol sa paglilinis hindi lamang ng ating mga kamay kundi ang kalinisan ng ating buong pagkatao. Hinihikayat tayo ni Moises na sundin ang tuntuning itinuro sa atin ng Panginoon upang mabuhay tayo nang matagal na pawang may kabutihan. Huwag daw nating daragdagan at babawasan ang mga Utos ng Diyos upang maging maayos ang ating pamumuhay at lipunan. Kadalasan ay winawalang-halaga natin ang Utos ng Diyos at sinusunod pa natin ang turo ng tao.

Dapat nating sundin ang Batas ng Panginoon na walang labis walang kulang. Kaya manalangin tayo tuwina na ang kaayusan ng bansa ay mabuod sa kapayapaan at katarungan. Tularan natin ang Israel na pinuri ni Moises: “Ang bansang ito ay matalino at may malawak na pagkaunawa”. Ang Diyos Ama ang ating tanglaw sa paglilinis ng ating buhay. Hindi Niya tayo iniiwan sa dilim. Tayo ay naging anak Niya tulad ni Hesus sa pamamagitan ng Salita ng Katotohanan. Kaya itanim natin sa ating puso’t isipan ang Salita ng Diyos, sapagkat kung pakikinggan lamang natin ito at hindi isasabuhay, dinadaya lamang natin ang sarili. Huwag tayong mahawa sa kasamaan.

Kaya ang kalinisan ay hindi pawang panglabas lamang kundi sa ating kalooban. Pakitang-tao lamang ang mga Pariseo na ayon sa kanila ay masugid na taga-sunod sa kautusan ng kalinisan. Kaya sabi ni Hesus: “Tama ang hula ni Isaias tungkol sa inyo. Mapagpaimbabaw nga kayo, gaya ng kanyang isinulat: ‘Paggalang na handog sa atin ng bayan ko’y paimbabaw lamang, sapagkat sa bibig at hindi sa puso bumubukal. Pagpuri’t pagsambang ginagawa nila’y walang kabuluhan. Ang utos ng tao ay itinuturong utos ng Maykapal.’”

Sa ating paglapit kay Hesus ay lagi nating pa-kinggan at unawain ang sinabi Niya: “Hindi lamang ang pumapasok sa bibig ng tao ang nakapagpaparumi sa kanya sa mata ng Diyos kundi ang mga nagmumula sa kanya.” Ang dapat na lagi nating linisin ay hindi lamang pawang panglabas ng ating katawan manapa’y ang ating puso, isipan at kalooban. Ang tatlong iyan ang nag-uudyok sa atin upang magkasala: Makiapid, magnakaw, pumatay, mag-imbot at gumawa ng kabuktutan, tulad ng pandaraya, kahalayan, pagkainggit, paninirang-puri, kapalaluan at kahangalan. . Ang lahat ng ito’y nanggagaling sa ating puso na nagpaparumi sa atin.

 Kung ating sinusunod ang Utos ng Diyos na magbibigay sa atin ng buhay, tiyak magkakaroon tayo ng tunay na kaligtasan ayon sa kalinisan ng ating kalooban.

* * *

Dt4:1-2,6-8; Salmo 15; Santiago1:17-18, 21b-22,27 at Mk7:1-8,14-15, 21-23

ANG DIYOS AMA

ATING

DIYOS

HESUS

KAYA

LAMANG

UTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with