^

PSN Opinyon

Mahusay na sistema ng pagsasanay sa mga pulis

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - The Philippine Star

KAMI ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay naniniwalang kailangang nasa direktang pangangasiwa mismo ng Philippine National Police (PNP) ang mga police training institution ng bansa. Sa kasalukuyan, sa ilalim ng Philippine Public Safety College (PPSC) ang mga ito, partikular ang Philippine National Police Academy (PNPA), Philippine National Training Institute (PNTI) at National Police College (NPC).

Alinsunod sa Department of Interior and Local Government (DILG) Act of 1990, ang PPSC ang may mandato na mag-formulate at magpatupad ng training programs para sa magiging mga personnel ng naturang kagawaran sa iba’bang responsibilidad nito kabilang ang para sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP).

Pero pinuna ni Jinggoy na masyadong magastos, kumplikado at hindi epektibo ang ganitong sistema. Aniya, nagkakaroon ng kakulangan sa koordinasyon ng mga training program at hindi rin sapat ang ipinatutupad na pagsasanay ng PPSC. Aniya, “The ineffectiveness and inefficiency in the structure and system frequently result in unnecessary cost and waste of resources and efforts because the PNP would often conduct its own re-orientation and specialization training programs, thus duplicating those already undertaken by the PPSC.”

Sa kanyang inakdang Senate Bill 3218, nais ni Jinggoy na amyendahan ang Republic Act 6975 o DILG Act of 1990, at ilagay ang “administrative supervision and operational control” ng PNPA, PNTI at NPC sa ilalim ng PNP. Aniya, ang hakbang na ito ay inaasahang makatutulong nang malaki sa mga pulis sa pagganap ng kanilang responsibilidad.

Napakahalaga ng tungku-ling ginagampanan ng mga pulis sa pagsugpo ng krimen, pagtitiyak ng kaligtasan ng publiko, pagbibigay ng proteksiyon sa buhay at ari-arian at pagpapanatili ng kapaya­paan at kaayusan sa mga ko­munidad at sa kabuuan ng li­punan. Kailangang tiyakin ng pamahalaan ang suporta at pinakamahusay na sistema ng pagsasanay para sa kanila.

* * *

Birthday greetings: Bi­shop Julius Tonel ng Ipil, Zamboanga (August 31).

ANIYA

BUREAU OF FIRE PROTECTION

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

JINGGOY

JULIUS TONEL

NATIONAL POLICE COLLEGE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE ACADEMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with