^

PSN Opinyon

Walang katapat ang pag-ibig ng ina

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - The Philippine Star

SI Nena ay nabuntis ng isang sundalong Amerikano at nagsilang ng sanggol na lalaki. Dahil sa galit ng kanyang ama sa kahihiyang dinulot ni Nena sa kanilang pamilya, hindi ito pumayag na iuwi ang bata sa kanilang bahay. Kaya paglabas sa ospital, sa kaibigang si Sol dumiretso si Nena at anak. Nang malakas na si Nena ay bumalik siya sa sariling pamilya. Iniwan niya ang anak sa panga­ngalaga ni Sol. Sa dalawang okasyon ay pumirma ng kasulatan si Nena na nagpapatunay na ipinagkakatiwala niya kay Sol ang anak at itinatalaga ang kaibigan bilang legal guardian nito.

Matapos ang dalawang taon, nakapag-asawa si Nena. Nagdesisyon si Nena na bawiin na ang anak mula kay Sol. Ayaw pumayag ni Sol dahil ayon sa kanya, isinuko na ni Nena ang karapatan bilang magulang at kustodiya sa anak noong pirmahan niya ang dalawang dokumento. Minahal na ni Sol ang bata at itinuring na sariling anak sa loob ng dalawang taon. Puwede pa bang maghabol si Nena sa anak?

PUWEDE. Ang mga dokumentong pinirmahan ni Nena ay hindi maaaring katibayan ng pagtatakwil sa kustodiya niya sa sariling anak. Hindi ganoon ang interpretasyon ng korte.

Sa unang dokumento, katibayan lang ito na ipinagka­tiwala niya ang anak sa kaibigang si Sol dahil wala nga siyang kakayahan na buhayin ang bata. Ang salitang “ipi­nagkatiwala” ay hindi puwedeng ituring na permanenteng pagsuko ng karapatan niya sa anak. Ang pangalawang dokumento naman na nagtatalaga kay Sol bilang “real guardian” ay hindi rin pagtatakwil ng karapatan niya bilang ina. Ang “guardianship” ay naiintindihan ng lahat na pansa-mantala lang at hindi permanente. Ngayong nagpakasal na si Nena ay nasa posisyon na siya para ala­gaan at palakihin ang anak kaya nararapat na ibigay sa kanya ang bata.

Hindi dapat alisin sa kanya ang karapatan at pagkakataon na pa-lakihin niya ang anak at gampanan ang tungkulin bilang isang ina kahit pa matinding sakripisyo at kahira-pan ang kapalit maigapang lang niya ang anak (Celis vs. Cafuir, 86 Phil. 554).

AMERIKANO

ANAK

AYAW

CAFUIR

CELIS

DAHIL

NENA

NIYA

SOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with