^

PSN Opinyon

Sour-graping Leila de Lima

- Al G. Pedroche - The Philippine Star

MASAMA ang loob ni Justice Secretary Leila de Lima dahil talsik siya sa shortlist ng Judicial and Bar Council ng mga taong pagpipilian ni Presidente Noy Aquino para maging bagong Chief Justice ng Korte Suprema.

Aniya, pinagkaisahan siya ng JBC, Integrated Bar of the Philippines at pati ng Korte Suprema para huwag masali sa shortlist. Ang katuwiran naman ng JBC kung bakit hindi isinama si de Lima sa shortlist ay sa dahilang may disbarment case umano laban sa kanya na sinisiyasat pa.

Mahusay si de Lima at kung naisama siya sa walong nominado na isinumite sa Pangulo, malamang na siya ang mapili. Iyan ang perception ng nakararami. Nakita natin ang katapatan ni de Lima sa Presidente bilang Justice Secretary. Ngunit iyan na nga mismo ang dahilan kung bakit hindi niya dapat pamunuan ang Korte Suprema.

Kailangan ang isang punong mahistradong may kalayaan ang isip at walang panganib na madiktahan ng Pangulo. Hindi ba iyan nga ang dahilan kung bakit na-impeach si dating CJ Renato Corona? Marami itong desisyon na pabor kay dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo kahit na nang ang huli’y hindi na Presidente.

In fairness, wala tayong question sa kakayahan at integridad ni de Lima. Pero ang pag-akusa niya na may naganap na sabwatan ang JBC, IBP at SC ay matatawag nating sour-graping.

Hindi man ako abogado, nakikita ko ang talino ng

JBC sa pag-itsa-puwera kay de Lima sa shortlist. Ayaw nitong maulit ang kasaysa­yan na ang isang Punong Mahistrado ay maaaring diktahan ng Pangulo.

Alam naman natin na ang Panguluhan, Korte Suprema at ang dalawang Kamara ng Kongreso ay tinatawag na co-equal branches ng pamahalaan at hin­di puwedeng magdikta sa isa’t isa. Ito ay upang magkaroon ng check and balance sa pamamalakad sa ating pamahalaan.

Ganyan ang diwa ng demokrasya na puwedeng masira kapag ubrang magdikta ang Pangulo sa alin mang kapantay na sangay ng gobyerno.

vuukle comment

CHIEF JUSTICE

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

JUSTICE SECRETARY

JUSTICE SECRETARY LEILA

KORTE SUPREMA

PANGULO

PRESIDENTE GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PRESIDENTE NOY AQUINO

PUNONG MAHISTRADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with