^

PSN Opinyon

Ampaw na aspalto

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - The Philippine Star

NABUKING ang kapalpakan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kanilang proyekto sa mga kalsada. Sa unang tingin, maganda ang mga proyekto ng DPWH dahil humanga ang mga delegasyon ng Asian Development Bank sa makikinis na kalsada noong Mayo ng ganapin dito ang ADB Ministerial Meeting. Pero makalipas lang ang tatlong buwan lumitaw na ang mga depekto at kapalpakan.

Napuna na ang ampaw na aspalto sa Roxas Boulevard. Nagmistulang sungkaan ang kalsada. Malaking perwisyo ang idinulot sa motorista dahil nagkakandahilo ang mga pasahero sa lubak-lubak na kalsada. Kaya tuloy ang mga illegal terminal ng bus patungong Cavite sa may paanan ng EDSA flyover sa Pasay City at sa tapat ng Redemptorist Church sa Baclaran at pati ang nasa Mia Road sa Parañaque City ay humina ang kita. Humina rin ang tongpats sa traffic enforcers nina Mayors Antonio Calixto at Florencio “Jun” Bernabe. Kasi nga nagpuputik ang kalsada sanhi ng napudpod na aspalto na inilatag ni DPWH Sec. Rogelio Singson. Magkano kaya ang kinita ni Singson sa ampaw na aspalto?

Bukod sa uka-ukang kalsada sa Roxas Boulevard pati ang pinagmamalaking rehabilitation project ng DPWH sa Baywalk mula US Embassy hanggang Manila Yatch Club ay may mga lamat dahil sa hampas ng alon. Sa pagkakaalam ko P30 milyon ang ginastos sa seawall.

Mukhang nagkamali yata si P-Noy sa pagtalaga kay Singson sa DPWH. Mula nang maupo ito, sunod-sunod na ang kapalpakan. Mantakin n’yo, noong kinumpuni ang flyover sa Gil Puyat Ave. (dating Buendia) sa Makati City ay pumalpak din dahil sa ampaw na aspalto. At ngayon ay ang butas-butas naman na Roxas Boulevard. Pati ang EDSA ay nagsisimula na ring magkabiyak-biyak.

Dapat balasahin ni Pnoy ang kanyang mga alipores para matupad ang kanyang “matuwid na daan”.

Abangan!

ASIAN DEVELOPMENT BANK

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

GIL PUYAT AVE

MAKATI CITY

MANILA YATCH CLUB

MAYORS ANTONIO CALIXTO

MIA ROAD

MINISTERIAL MEETING

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with