^

PSN Opinyon

Sasayaw o sasaway?

- Al G. Pedroche - The Philippine Star

NAG-USAP na sina Presidente Noynoy, Senate President Juan Ponce Enrile at House Speaker Sonny Belmonte hinggil sa isyu ng charter change o chacha.

Alam natin na ang Kamara de Representante at Senado ay pursigidong amyendahan ang ilang probisyon ng Saliganbatas pero tahasan namang tumututol ang Malacañang.

Matapos mag-usap ang tatlong leader ng bansa, hindi pa rin masasabing ganap nang kumbinsido si PNoy. Nais ng Pangulo na mapag-aralan pa nang masusi ang panukala ng dalawang Kamara.

Kaya ang nakabiting tanong ngayon ay sasayaw na ba ng chacha si PNoy o hindi? Abangan na lang ang mga susunod na pangyayari.

Ang katuwiran nina Enrile at Belmonte ay aamyendahan lang ang mga probisyon ng Konstitusyon na nauukol sa ekonomiya. Baka nga naman may mga patakaran sa investment ang pamahalaan na masyadong mahirap tupdin ng mga investors. Ang punto ng pagsusog sa Saliganbatas ay upang makahikayat pa ng mas maraming investors ang pamahalaan na lubhang mahalaga para sa pag-unlad ng ekonomiya.

Kaya ang panukalang amyenda sa Karta ay isasalang na sa pag-aaral ng economic and legal cluster ng gabinete kasabay ng pagdaraos ng public consultation. Magandang ang public consultation dahil sasangguniin ang publiko sa isang isyung sila ang pangunahing apektado.

Tahasan ang pagkontra ng Pangulo sa panukalang susugan ang Konstitusyon pero nakumbinsi siya na ito’y pag-aralan ng gabinete na may partisipasyon ang publiko.

Halos tatlong oras na nagpulong ang tatlong matataas na opisyal sa isang pananghalian sa Malacañang bago nara­ting ang desisyon.

Positive development ito. Bagamat malamig ang Pangulo sa ideyang chacha, napapayag siyang ito’y pag-aralan upang ma­kita ang merito nito. Mas maganda kaysa tahasang ibasura na lang, hindi ba?

HOUSE SPEAKER

KAMARA

KAYA

KONSTITUSYON

MALACA

PANGULO

PRESIDENTE NOYNOY

SALIGANBATAS

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SONNY BELMONTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with