Mga talaan ng gobyerno: Mali-mali, kulang-kulang
PINAHAHALAGAHAN ng Pilipino ang personal records. Kapag binaha ang bahay, hindi ang pagkasira ng kotse o home appliances ang ipinag-hihinakit niya, kundi ang family photo album at mahahalagang papeles: birth certificate, marriage license, titulo ng lupa, atbp. Pero pabaya ang mga taga-gobyerno sa paggawa at pagtabi ng talaan. Ilang halimbawa:
• Sa imbestigasyon kay SPO-1 Ricardo Pascua, na nangharang sa convoy ni President Noynoy Aquino sa Quezon City kamakailan, lumitaw na dalawang beses na pala siya sinibak sa puwesto, nu’ng 2001 at 2010. Pero patuloy siyang nag-pulis, dahil hindi iningatan ng Napolcom ang records. Tapos, inuto ni Pascua ang mga kasing-burarang superiors na kunwari’y reinstated siya ng dalawang beses.
• Nakapang-hostage ng mga turistang Tsino ang isang police major sa Luneta, Manila, nu’ng 2010 sa pamamagitan ng M-16 rifle at granada. “Official issue” sa kanya ng PNP ang mga armas, pero hindi binawi nang sibakin siya sa puwesto nu’ng 2009. Ngayon gumagasta ang PNP ng P1.2 bilyon para punuan ang 60,000 kakulangan ng side arms.
• Miski ikinulong na nu’ng 2009, patuloy na sumusuweldo ang Maguindanao massacre suspect na si Datu Sajid Islam Ampatuan mula sa provincial capitol. Pabaya ang payroll master sa records.
• Libu-libong bus ang bumibiyahe sa EDSA-Metro Manila nang walang prankisa. Maraming tsuper pumapa-sada nang walang driver’s license. Nakakalusot sila kasi magulo ang files ng Land Transportation Franchi-sing & Regulatory Board at Land Transport Office.
• Sa ulat nila, libu-libo ang ino-offload ng Immigration officers sa international airports sa hinalang undocumented overseas workers. Pero wala silang talaan kung sino at nasaan na ang mga ito. Palpak!
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest
- Trending