^

PSN Opinyon

Ipagdasal si Nixon Kua

ORA MISMO - Butch M. Quejada - The Philippine Star

HINDI lang ang mga kaanank ni Nixon at Allison Kua ang galit sa apat na mga gagong bumaril sa mag-utol last Satuday night sa Ayala Greenfield Makiling Highland, Barangay Maunong, Calamba, Laguna, kundi ang mga kaibigan at kasamahan sa hanap buhay ay naggagalaiti sa galit sa ginawa ng mga kamote.

Ayon sa alagad ng batas holdap ang anggulong tinitingnan sa pamamaril ng mga kamote sa magkakapatid dahil mukhang inside job ang nangyari.

Sabi nga, may P90,000 dalang salapi si Nixon kaya baka natunugan ng mga tipster?

Sana mahuli sa lalong madaling panahon ang mga kamote dahil P200,000 na ang ‘gantimpala’ na ipinalabas para sa ikahuhuli ng mga gago patay man o buhay.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nasa kritikal na kalagayan pa rin si Nixon up to now dahil nasa ICU pa ito sa hospital dahil sa tinamong tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.

Thank you, Lord dahil ligtas na si Allison!

Hinihimok natin ang madlang people na ipagdasal si Nixon para maligtasan niya ang kanyang kalagayan ngayon at gumaling agad ito dahil napakabait na tao nito at matulungin pa sa kapwa.

Alam ng mga nakakakilala kay Nixon kung ano ang ugali niya napakadaling kausap nito dahil hindi ka magdadalawang salita kung tulong rin lang ang kailangan mo sa kanya basta kaya niya.

Sabi nga, mabilis pa sa alas kuatro kung bumunot at tumulong si Nixon.

Inaanak ni Pareng Nixon ang anak ng Chief Kuwago na bebot at inaanak ko naman ang anak nina Pareng Nixon at Mareng Susan kaya nabigla ang mga kuwago ng ORA MISMO, ng tawagan tayo ng mga asset natin at ipagbigay alam ang nangyari sa mag-kapatid.

Sabi nga, malapit ang pamilya namin sa isa’t-isa lalo na noon binata pa si Pareng Nixon dahil mas matagal kaming mag-kasama kaysa sa itinatagal namin sa aming pamilya noon araw.

Ika nga, hindi biro ang pinagsamahan namin ni Pareng Nixon.

Sabi nga, masahol pa sa mag-utol!

Para sa mga kaibigan, kakilala, ka-pamilya, kamag-anak echetera ipagdasal natin si Pareng Nixon na sana ay maka-recover ito sa lalong madaling panahon.

Sabi nga, Lord please help him!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang malapit ng masakote ng kapulisan ang mga tirador ni Nixon hindi na daw ito magtatagal at mahuhulog na sa kanilang mga kamay.

Sabi nga, sana madapa. Hehehe!

Kaya ngayon pa lang ay pinasasalamantan na ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kapulisan dyan sa Region 4 dahil hindi sila nagpakaang-kaang sa kanilang hotraba para masungkit nila ang mga salarin.

Sabi nga, dead or alive.

Abangan.

Bombay dami na sa PHL

HINDI biro ang listahan na ibinigay ng asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, regarding sa mga ‘Bombay’ na nagsipasok sa Philippines my Philippines na ang karamihan ay dehins na bumalik sa India.

Sabi nga, taksan-taksan!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, halos 10,000 bombay ang nakapasok sa Philippines my Philippines this 2012.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ano ngayon ang masasabi ng mga taga - intel unit ng Bureau of Immigration paano nila ngayon hahanapin at paghuhulihin ang mga bombay na nandito sa Philippines my Phlippines na ang karamihan ay ‘hide and seek’ ngayon. Ano kaya ang masasabi dito ni Jerome Gabionza at Atty. Mangrobang?

Abangan.

Biazon on the go sa smuggling

MAGANDANG accomplishment ang nangyari sa million of pesos na nahuling imported rice dyan sa Subic Bay Metropolitan Administration the other week.

Uso pa pala ang smuggling sa Subic?

Buti na lang at natunugan ito ni SBMA Collector to be Mimel Talusan kaya naman tuwang-tuwa si Customs Commissioner Ruffy Biazon sa pangyayari.

‘Paano ito nakarating sa Subic?’ Tanong ng kuwagong binukulan sa bureau.

‘Dapat itong imbestigahan ni Ruffy alam naman natin ‘misdeclared’ cargoes ito pero sino ang operator?’ Tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Buti na lamang at nahuli ito dahil kung hindi tiyak malaking issue ito para kay Ruffy.’

‘Ang tumira dito ay si Talusan kaya ito dapat ang bigyan papuri!’

Abangan.

ABANGAN

AYON

DAHIL

NIXON

PARENG NIXON

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with