^

PSN Opinyon

Nasagasaan na, ninakawan pa!

K KA LANG? - Korina Sanchez - The Philippine Star
This content was originally published by The Philippine Star following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

KITANG-KITA sa CCTV ng OWWA ang pag­sagasa ng isang pampasaherong jeepney sa tatlong tao sa Pasay City. Mabilis ang jeepney nang mabundol ang lalaking tumatawid. Dumeretso pa ito at dalawang babaing tumatawid ang inararo rin! Itinakbo sa ospital ang tatlong biktima, pero patay na ang isang babae at malubhang nasaktan ang dalawa. Inaresto ang drayber ng jeepney na nagtangkang tumakas pero napigilan ng mga taong­ lumapit para tulungan ang mga biktima. Pero may nakunan pa ang CCTV, dalawang babae ang pumulot ng mga bag ng dalawang babaing biktima! Parang kulang pa ang sinapit ng dalawa at kailangan nakawan pa! 

Siyempre, kasalanan ng sasakyan kaya nangyari ang aksidente. Siyempre walang kasalanan ang drayber dahil nawalan daw ng preno. Hay naku! Kitang-kita sa CCTV na mabilis ang takbo ng jeepney habang paliko. Kung bakit magpapatakbo habang paliko sa isang mataong lugar ay hindi ko na talaga alam! Kung bakit nabigyan pa ng lisensiya, na professional pa, itong drayber na malinaw na hindi alam ang mga batas ng kalsada! Ito ang sinasabi ko ukol sa mga drayber ng mga pampublikong sasakyan. Walang pormal na pagsasanay, basta marunong lang pumihit ng susi para paandarin at iliko ang manibela ng sasakyan, puwede na para sa mga operator!

At kung totoo nga na nawalan ng preno, isa pa itong problema sa mga pampublikong sasakyan. Kulang na kulang sa alaga! Para makatipid at mas lumaki ang kita, hindi ipagagawa ang sasakyan hanggang sa bumigay na lang ang mga piyesa! Preno, gulong, mga piyesa ng makina, at kung anu-ano pa! Sigurado ako na kung ipasusuri ang jeepney sa ibang bansa kung ligtas at maayos na sasakyan, hindi papasa ang karamihan dahil mga segunda manong piyesa ang ginamit para buuin ang mga ito! Isa pa itong dapat bigyan ng panahon ng LTO o LTFRB. Kung maayos ang mga pampublikong sasakyan bago payagang mamasada!

At para sa dalawang babae na kinuha ang mga bag ng mga nasagasaan? Kung hindi ninyo ibabalik ang mga ito, sana matukoy kung sino kayo para mahuli at makulong kayo nang matagal! Mga babae pa naman kayo!  

DUMERETSO

INARESTO

ISA

ITINAKBO

KUNG

PARA

PASAY CITY

SASAKYAN

SIYEMPRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with