^

PSN Opinyon

'Kakutsaba'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - The Philippine Star

TUWING Miyerkules, dagsa ang mga taong nagrereklamo sa BITAG Headquarters. Bilang serbisyo sa publiko, nagdaraos kami ng people’s day para pakinggan at bigyang solusyon sa abot ng aming makakaya ang mga suliraning idinudulog sa aming tanggapan.

Isa sa mga matiyagang naghintay at pumila si Lourdes mula sa Bulacan para humingi ng tulong sa pagkamit ng hustisya para sa kanyang asawa.

Agawan sa lupa ang itinuturong dahilan kung bakit nagawang patayin ng nagtagong suspek na si Jessie Bon Flit alyas “Boyet” ang kanyang kumpare na si Roberto Almildez.

Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang suspek sakay ng isang tricycle na minamaneho ng kanyang pamangkin na si Noli Dela Cruz Jr.

Pero makalipas ang pitong buwan, nasakote ng mga otoridad sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court ng Malolos, Bulacan ang suspek na si Jessie.

Samantalang ang kakutsaba niyang si Noli, malaya pa rin at patuloy na nagtago sa batas.

Mahigit isang taon pa ang hinintay bago magkaroon ng ideya ang pamilya ni Lourdes sa kinaroroonan ng suspek.

Sa pamamagitan ng pagpapanggap na textmate sa suspek, hulog sa BITAG ang nagtatagong suspek na si Noli. Isang BITAG undercover ang ipinain para magpanggap na ka-text ng puganteng suspek.

Agad na nakipag-ugnayan ang BITAG sa Manila City Hall Public Assistance (CHAPA) para sa isasagawang entrapment operation.

Pagdating sa target site, inikutan ng mga operatiba ang napag-usapang tagpuan ng suspek at ng kanyang textmate.

Abangan sa darating na Biyernes ang kinahinatnan ng pakikipag-eyeball ng kakutsabang suspek sa aming BITAG undercover na nagpanggap niyang textmate.

ABANGAN

AGAWAN

BULACAN

JESSIE BON FLIT

MANILA CITY HALL PUBLIC ASSISTANCE

NOLI

NOLI DELA CRUZ JR.

REGIONAL TRIAL COURT

ROBERTO ALMILDEZ

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with