^

PSN Opinyon

Mabuhay Black, Please!

DURIAN SHAKE - The Philippine Star

ASTIG ang Davao City sa pagkakaroon ng pinakaunang mga taxi na gumagamit ng ATM at debit card terminals kung saan ang mga pasahero ay pupuwede nang magbayad gamit ang kanilang ATM o debit cards. Nakakatulong ito lalo na pag walang dalang cash ang pasahero na pambayad ng pasahe.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buong bansa na nagamit na talaga ang nasabing technology sa ating bansa at dito pa talaga sa Davao City. May tinatayang 3,000 taxicabs na bumibiyahe rito sa Davao City na karamihan ay bago.

Sinimulan ang nasabing technology ng Mabuhay Taxi rito kung saan 20 units ng kanilang black Nissan Sentra cabs ang initial na nilagyan ng nasabing mga ATM and debit card terminals. Ayon kay Ryan Tan, may-ari ng Mabuhay Taxi Company, sinisikap nilang malagyan ang lahat ng 300 units nila maging ng terminals para sa credit cards.

Naranasan na rin ng mga Dabawenyo ang pagbayad sa pamamagitan ng ATM or debit cards nila nang sumakay sila ng Mabuhay Black taxi mula noong Biyernes. Ang nasabing sistema ay malaking tulong din sa pag-iwas ng hold-up kasi nga hindi cash ang dala ng drivers kundi ang ATM at debit card terminals lang.

At isa pang ginawa ni Ryan ay ang pag-install ng Global Positioning System (GPS) sa taxi units nila. Malaking tulong ang GPS dahil madaling ma-monitor nito kung saan ang location ng mga taxi units ng Mabuhay Taxi.

Malaking tulong din ito sa pagsugpo ng carnapping dahil malalaman kung nasaan na ang isang taxi unit lalo na kung hindi na nakapag-report sa base nito sa takdang oras.

At ang naging benepisyo rin ng GPS ay ang agarang pagdispatsa ng mga taxi units kung sakaling may tawag sa telepono at kailangan ng pasahero ang isang taxi. Kung anong unit ang pinakamalapit sa location ng pasahero ang siyang idispatsa agad ng homebase ng Mabuhay Taxi.

Ayon kay Ryan, sisikapin niyang mas maayos pa ang serbisyo ng kanilang taxi company sa pamamagitan ng paglagay ng makabagong technology sa kanilang taxicabs.

At inaasahan na dahil nga sa mga pagbabago at maayos na serbisyo ng taxicabs dito mas lalong magiging kaaya-aya na tourist destination ang Davao City.

Naging maganda naman ang reputasyon ng mga taxi drivers dito sa Davao City dahil nga naging tapat sila at talagang binibigay ang sukli maging sa kahuli-hulihang sentimo sa mga pasahero nila. Hindi gaya sa Metro Manila na kung sasakay ng taxi ay para ka na ring naholdup dahil sa swapang na taxi drivers.

AYON

DAVAO CITY

GLOBAL POSITIONING SYSTEM

KUNG

MABUHAY BLACK

MABUHAY TAXI

MABUHAY TAXI COMPANY

MALAKING

TAXI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with