^

PSN Opinyon

International mediation bakit ayaw ng Tsina?

SAPOL - Jarius Bondoc - The Philippine Star

GIIT ng Tsina, 1951 pa ay isinaad na ni Premier Zhou En Lai ang mga lupain na pag-aari nila sa South China Sea. Hindi lang ito Scarborough Shoal, kundi pati buong Spratlys, Mischief Reef, at iba pang mga pulo, bahura, at bato sa gilid ng Vietnam at Pilipinas. Batay daw ito sa mapa ng ika-13 siglo, nang marating, inangkin at pinangalanan ang mga ito ng isang admiral na Tsino.

Samantala raw, ang Pilipinas ay nu’ng 1997 lang umangkin sa Scarborough. At ilang taon lang nauna ru’n, sa Spratlys at Mischief. Ni wala raw ang mga ito sa mapa ng Pilipinas sa ilalim ng 1898 Treaty of Paris. Kaya wala raw karapatan ang Pilipinas sa mga pulo.

Ampaw ang mga banat ng Tsina. Walang kuwenta ang paggiit ni Zhou nu’ng 1951 kung ang 13th-century map ang batayan. Nasa ilalim ng Mongolia (Genghis at Kublai Khan) ang Tsina nu’ng ika-13 siglo. Kung ang paniwala nila ay “una’ng magbinyag, siya’ng may-ari, e di sa Mongolia ang South China Sea.

Lalo na’t may mga ulat din na 1,000 taon bago nu’n ay dumating na sa Pilipinas ang mga Malay mula Indo­nesia. Kasabay nu’n sinakop ng mga Malay ang Madagascar sa Africa 4,000 milya ang layo. Kaya lang nakapaglayag sa dagat ang mga Tsino, patungong Borneo at India, ay dahil sakay ng mga barkong Malay.

Hindi kasali ang Pilipinas sa Treaty of Paris ng mga kolonyalistang Kastila at Amerikano. Ayaw ng Pilipinas sa tratado. Gay’un din, kontra ang Tsina sa paglipat ng mga kolonyalista sa India ng Tibet mula Tsina. At kaya 1997 lang naigiit ng Pilipinas ang claim sa Scarborough ay dahil noon naging epektibo ang UN Convention on the Law of the Sea.

Bakit ayaw ng Tsina ipalutas ang gusot sa international tribunal?

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusbondoc@gmail.com

KAYA

KUBLAI KHAN

LAW OF THE SEA

PILIPINAS

SOUTH CHINA SEA

TREATY OF PARIS

TSINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with