^

PSN Opinyon

Benepisyo ng pagpapatuli

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - The Philippine Star

Dok, niloloko ako ng kaklase ko dahil supot daw ako. Dapat ba akong magpatuli?

May dalawang paniniwala tungkol sa pagtutuli. Ayon kay Dr. Rey Joson, isang surgeon, walang masama sa pagiging supot. Nasasaktan lang daw ang mga bata kapag tinutuli.

Pero ayon naman kay Dr. Eduardo Gatchalian, isang urologist, mas maigi ang tuli kaysa sa hindi tuli. Ayon sa pagsusuri, ang pagtutuli ay nakababawas ng tsansa na magka-kanser sa ari. Mas hindi rin tinatamaan ng HIV-AIDS ang mga lalaking tuli.

Para sa akin, mas mabuti na ang magpatuli. Mas ligtas sa sakit, sa impeksyon, at mas malinis sa katawan ang mga tuli. Mayroon kasing tinatawag na “smegma”, isang malagkit at mabahong likido na kumakatas sa ari ng supot na lalake. Nanggagaling ang smegma sa balat na nakapulupot sa ulo ng ari (ang foreskin). Ang foreskin ang tinatanggal kapag tinutuli.

Kailan maganda magpatuli?

Ang mga batang edad 10 hanggang 12 ang dapat magpatuli. Ito ang pinakamagandang panahon bago mag­binata. Ang problema kasi sa pagtutuli ng sanggol ay baka masugatan ng doktor ang ari ng bata dahil napakaliit pa nito.

Limang taon na kaming kasal, pero hindi pa rin nagbubuntis si Misis. Ayon sa doktor, kulang daw ang se-milya ko (low sperm count) at mabagal ang galaw nito. May bitamina bang pampalakas ng semilya? — (Mr. B)

Oo, may doktor na nag-i-injection ng testosterone para dumami ang semilya ng lalaki. Ang vitamin E 400 IU cap­sule at vitamins na may Zinc ay maaaring magpalakas  din ng galaw ng iyong se­milya.

Sa mga drivers, mag-lagay kayo ng makapal na kutson sa inyong upuan. Masama kasi ang mainitan ang inyong bayag at baka mamatay ang inyong se-milya. Ang init ng makina ay tumatagos sa upuan, at puwedeng makabawas sa semilya.

Kaya nga maraming driver ang nababaog. Sundin ang payo ng doktor para matuloy ang kasabihang “Basta Driver, Sweet Lover”.

AYON

DAPAT

DOK

DR. EDUARDO GATCHALIAN

DR. REY JOSON

KAILAN

KAYA

MR. B

SWEET LOVER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with