^

PSN Opinyon

Salamat po, Panginoon

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - The Philippine Star

BINABATI ko sa araw na ito ang lahat ng mga ama. Happy Fathers’ Day. Ipanalangin natin ang katatagan ng kanilang pagsusumikap na buhayin ang kanilang pamil­ya. Pagpalain nawa kayo ng Poong Maykapal at bigyan kayo ng talino at kalusugan sa inyong misyon at tungkulin sa pagpapalaki sa inyong mga anak. Higit sa lahat ipanalangin din natin ang maraming ama ng tahanan na pinabayaan, tinakasan at iniwan ang asawa at mga anak.

Sa mga pagbasa ngayong ika-11 linggo sa karaniwang panahon ay ipinahayag sa atin na ang mga halaman ay tanim ng Panginoon at lahat ng bagay sa kalikasan ay kabuuan ng mga plano ng Diyos sa bawat bahagi ng daigdig. Tayo ang pinakamahalaga sa Kanyang mga nilikha. “Totoong kalugud-lugod ang magpasalamat sa Diyos”. Sa ating paggising sa umaga, ilan kaya ang tahimik na nagpapasalamat sa Diyos sa biyaya ng buhay.

Maging si Pablo ay wagas ang pananalig sa Diyos sapagkat sa kabila ng kanyang buhay dito sa lupa ay alam niyang meron pang mas magandang tahanan doon sa langit. Manalig din tayo sa Diyos sapagkat sa pang-araw-araw nating pamumuhay ay hindi natin napapansin ang mga kaloob sa atin ng Diyos. Tularan natin ang isang magsasaka na matapos maghasik ng binhi ay nagpatuloy sa kanyang pang-araw-araw na gawain sa bukid. Hindi niya namamalayan, sumisibol ang mga binhi at mamumunga nang sagana.

Ang pagsasalarawan ng talinghagang ito ay kabuuan ng mga biyaya sa atin ng Diyos. Lahat tayo ay mga butil na itinanim ng Diyos sa daigdig na ito. Binibigyan tayo ng sariling pagsibol araw-araw na kadalasan ay hindi mapagwari o mabigyan ng pagmamahal ang Kanyang kabutihan sa bawat isa sa atin.

Tayo ang pinakamaliit na butil ng mustasa na itinanim

 ng Diyos; hindi Niya tayo pinabayaan sapagkat kasama natin ang pagdidilig na biyaya ng Diyos. Tayo ang pinakamaliit na binhi at inaa-lagaan ng Panginoon upang mag-uhay tayo ng sagana at kailanman ay hindi Niya tayo pababayaan.

Huwag nating sayangin ang uhay ng Panginoon, sa­pagka’t sa bawat pagsikat ng Haring araw sa umaga ay laganap ang biyaya ng Diyos. Kayong mga ama ay mga uhay na tanim ng Panginoon. Sumagana nawa kayo at pagpalain tuwina ng Diyos Ama natin sa langit. Huwag mo Siyang bibiguin!

* * *

Ezekiel 12:22-24; Salmo 91; 2Cor 5:6-10 at Marcos 4:26-34

ARAW

DIYOS

DIYOS AMA

HAPPY FATHERS

HUWAG

KANYANG

NIYA

PANGINOON

TAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with