^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kalingain ang mga guro

- The Philippine Star

HINDI lamang ang kakulangan sa classroom ang problema ngayong pasukan, problema rin ang kakulangan ng mga guro. Nakadagdag sa kaku­langan ng classrooms at guro ang bagong sistema ng Department of Education na K+12. Sa halip na apat na taon ang high school magiging limang taon. Dahil dito, nangangailangan ng karagdagang guro at classrooms ang maraming eskuwelahan sa buong bansa. May ilang school na nagklase muna sa lobby. Pero sabi ng mga school principal, pan­samantala lang ang problema sapagkat hinahanapan na ng solusyon.

Ayon sa DepEd, nasa 21.76 milyon ang mga estud­yante sa public school ngayong taon na ito. At sa bilang na ito, nangangailangan ng 132,564 guro sa public schools. Umano’y nasa 20,000 guro lamang­ ang nakapagsanay para sa inilunsad na K+12 system­. Ibig sabihin, sobra-soba ang kakulangan sa mga guro. Kung malaki ang kakulangan sa mga silid-aralan, mas lalo palang malaki ang kakapusan sa mga guro.

Malaking problema ito sa hinaharap sapagkat hind­i nababawasan kundi nadadagdagan pa ang mga bilang ng estudyante. At pakonti nang pa­konti ang mga guro. Hindi kaya patuloy ang pag-alis ng mga guro patungong ibang bansa para mag-domestic­ helper o caregiver? Mas malaki nga naman ang suweldo kung DH sa Hong Kong at Singapore at caregiver sa Italy.

Ayon sa report, may mga guro na sumasahod lamang ng P3,000 isang buwan. Paano mabubuhay ang guro sa sahod na ito? Kawawa naman sila. Ang pagtuturo ay isa sa mga propesyon na dapat pinagkakalooban ng mataas na suweldo. Walang katulad ang kanilang ginagawang paghubog sa mga estudyante para luminang ng kaalaman.

Tumbasan ang ginagawa ng mga guro na pagsa­sakripisyo para mapaunlad ang nalalaman ng mga estudyante. Kalingain sila sa pamamagitan ng pagbibigay nang mataas na suweldo at benepisyo. Kung mabibigyan sila nang mataas na suweldo hindi na nila iisipin pang magpapaalila sa ibang bansa. Hindi na sila mangingibang bansa at pagtutuunan ang pagtuturo sa sariling bansa. Huwag kawawain ang mga guro.

vuukle comment

AYON

DAHIL

DEPARTMENT OF EDUCATION

GURO

HONG KONG

HUWAG

IBIG

KALINGAIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with