^

PSN Opinyon

Tong collection

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

INAMIN ni Molly Acuna na siya ang “tong” collector ng PNP-Intelligence Group na nasa ilalim ni Chief Supt. Charles Calima. Sinisisi ni Acuna ang power struggle sa IG kung bakit laging laman ng diyaryo ang kanyang pa-ngalan. Nagpadala si Acuna ng press statement sa PNP Press Corps kung saan inilahad niya ang kalakaran ng tong collection activities ng PNP hindi lang sa IG kundi maging sa PRO4-A at National Capital Region Police Office (NCRPO). Kahit may statement pa siya, maraming kaibigan ni Acuna ang nakausap ko ang nagsasabing hindi niya gagawin ito. Maaring may “sumingit” lang at gumawa ng naturang press statement para siraan si Acuna para mawala siya sa landas ng sinumang author nito. Kaya mas mainam kung lulutang ang tunay na Acuna para patunayan na hindi peke ang press statement niya. Kapag totoo ang press statement na ito, malaking gulo ang inumpisahan ni Acuna na dapat bigyang-pansin ni PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome. Wala pang criminal na nahuhuli ang IG pero sikat na sila, hindi sa trabaho kundi sa pitsa.

Tinitiyak ni Acuna na ang pagbanat ko sa kanya at iba pang diyaryo ay dahil sa black propaganda na isinasagawa ni Col. Erwin Robles, hepe ng counter intelligence ng IG. Sinabi ni Acuna sa kanyang statement na nais agawin ni Robles sa kanya ang tangga kaya sinisiraan siya nito sa mga diyaryo. Teka, hindi ko kilala si Robles at ni minsan hindi ko siya nakausap. Kung paano pinagsuspetsahan ni Acuna si Robles ay wala akong pakialam. Gusto raw agawin ni Robles ang weekly na kita ni Calima sa jueteng, at iba pa. Imposible ata ito. Marami pang sinabi si Acuna tungkol kay Robles pero hindi ko na isasama dahil hindi ang­kop sa isyu. Ipinarating naman ni Robles sa akin na hindi totoo ang sinasabi ni Acuna at sa katunayan, wala siyang interes dito. Sinabi ni Robles sa isang malapit sa akin na abala siya sa kanyang trabaho at wala naman siyang plano na dagdagan pa ang sakit ng kanyang ulo. May nakapagbulong sa akin na hindi totoong nag-aaway sina Robles at Acuna.

Sinabi pa ni Acuna na   sa PRO4-A, ang bagman ni director Chief Supt. James Melad ay si Col. Rene Pamusmusan samantalang kay NCRPO chief Dir. Alan Pu­risima ay si Bebit Aguas. Sa press statement ni Acu-na, parang nagdideklara siya ng giyera kina Purisima at Melad. Abangan!

ACUNA

ALAN PU

BEBIT AGUAS

CHARLES CALIMA

CHIEF SUPT

ERWIN ROBLES

INTELLIGENCE GROUP

ROBLES

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with