^

PSN Opinyon

'Mga demonyo sa lansangan'

- Tony Calvento -

NAPAKASAKIT NG MAWAWALAN ka ng mahal sa buhay dahil sa karahasan. Higit na mas nakagagalit kapag ang taong may gawa ay malaya pa ring gumagala sa ating lipunan.

Tulad ng ibang kasong matagumpay naming napahuli sa tulong na rin ng mga taga Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng National Bureau of Investigation (NBI) ganito din ang panalangin na mangyari ng pamilyang lumapit sa aming tanggapan.

Kung nais nating mabawasan ang mga demonyo sa kalye tulungan natin ang mga ‘complainants’ na nagsadya amin. Hustisya para kina Filomena “Fely” Pascual, Evangeline Sigua, at Pedro Arellano sa pagpatay ng kanilang mga mahal sa buhay.

Buwan ng Mayo 2012, nagsadya sa aming tanggapan si Filomena “Fely” Pascual. Dala niya ang kopya ng ‘warrant of arrest’ ng lalaking pumaslang sa buhay ng kanyang anak na si Reynaldo “Bong” Pascual.

Si Bong, 25 taong gulang ay nagtatrabaho bilang isang ‘street sweeper’ sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ika- 27 ng Disyembre, 2010 alas 7:45 ng umaga, naglalakad si Bong papunta sa kanyang ‘area’ sa may Osmeña Highway. Habang tumatawid bigla siyang sinalpok ng isang matulin na motor. Nakilala ang driver na si Eric John Ranao.

Isinugod siya sa Ospital ng Makati. Nagtamo ng ‘internal hemorrhage’ si Bong sa ulo na siyang kinamatay nito.

Nagsampa si Fely ng kasong ‘Reckless Imprudence Resulting to Homicide’.

Naglabas na ng resolusyon ang taga usig at nai-‘file’ na rin ang ‘information’ sa Korte, Branch 63.

Nakipag-ugnayan ang aming tanggapan sa ‘Clerk of Court’ ng Branch 63 upang makakuha ng kopya ng ‘Alias Warrant of Arrest’.

 “Maraming salamat sa tulong ninyo sana lubus-lubusin ni’yo na rin at mai-publish ang larawan nitong suspek para agad mahuli siya,” pahayag ni Fely. 

Sa isang pagbabalik tanaw itinampok ko din sa aming pitak, “CALVENTO FILES” ang istorya ni Evangeline mula sa Cabiao, Nueva Ecija. Pinamagatan namin ang pitak na ito na “Dakpin si Boy Bautista”.

  Pinatay ang asawa ni Evangeline na si Federico o “Pedy” sa harap mismo ng bahay ng amang si “Gorio”. 

Ang tinuturong salarin ay si Orlando Bautista alyas “Boy Openg”. Kapit bahay nila Gorio. Ang lupang binili ni Boy Openg ang tinurong dahilan kung bakit tinadtad ng baril si Pedy na kanyang kinamatay noong ika-1 ng Hulyo 2009.

Nagsampa ng kasong ‘murder’ si Evangeline sa Prosecutor’s Office Cabanatuan. Nakitaan ng ‘probable cause’ ang kaso at nailabas ang warrant of arrest para kay Orlando Bautista.

“Tulungan ni’yo kami na mai-publish ang mukha ni Boy para makamit namin ang hustisya,” pakiusap ni Evangeline.

WALANG makapagturo sa kinaroroonan ng isang SK Chairman ng Barangay Buting Pasig. Pinaghahanap ng batas si Dennis Hornachos.

Sa mismong kaarawan ng biktimang si Jester “ET” Arellano, 22 taong gulang nangyari ang pamamaslang.

Ginulungan, hinataw ng dos por dos at ginawang humps ang katawan ni Et. Gamit ang kanyang sasakyan sinagasaan ni Dennis ang kotse diretso sa noo’y nakahigang biktima.

Nadamay lang umano si Et sa away ng kanyang kaibigang si “Jason” at SK Chairman. Nagkainitan ang dalawa ng ga­bing yun. Pinaringgan ni Jason ang SK chairman ng, “Yabang mo ah!”

Binalikan ni Dennis si Jason na kasama si Et. Agad na nakatakbo si Jason palayo habang naiwan naman si Et at siya na ang napagbalingan.

Halos matanggal ang balat niya at mabiyak ang ulo ni Et sa pambubugbog. Hindi siya iniwang buhay ni Dennis, patay agad siya.

Sinampahan nila ng kasong Murder si Dennis. Habang ang lima namang kasama ni Dennis na nandun din ng mangyari ang krimen ayt naabswelto sa kaso dahil sa kakulangan umano ng ebidensiya.

Nailabas na ang ‘warrant of arrest’ laban kay Dennis. Hangang ngayon pinaghahanap pa din siya.

Sa ngayon malaya pa rin itong si Dennis Hornachos kaya minarapat namin na ilathala muli ang istorya ni Et kasama ang larawan ng nagtatagong si Dennis.

Kami’y nanawagan sa mga nagbabasa ng pitak na kung meron kayong impormasyon sa kinaroroonan ng mga taong tampok, mga taong tinag-uriang WANTED, sina Eric John Ranao, Orlando Bautista alyas “Boy Openg”, at Dennis Hornachos makipag-ugnayan lamang sa aming tanggapan sa mga numerong na mababasa ninyo sa ibaba.

 (KINALAP NG reportorial team ng CALVENTO FILES)

Sa gustong dumulog ang aming numero 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes

* * *

Follow us on twitter: Email: [email protected]

BOY OPENG

DENNIS

DENNIS HORNACHOS

EVANGELINE

FELY

LSQUO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with