^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kampanya na naman laban sa jaywalking

-

MARAMING nasasagasaan dahil hindi tumata- wid sa tamang pedestrian lane. Sa halip na gamitin ang mga ginastusang foot bridge o overpass, mas itinataya ang buhay sa pagtawid sa mga kalsadang mabibilis ang mga dumadaang sasakyan. Kahit na malapit ang footbridge, mas gusto pang makipagpatintero sa mga sasakyan. Walang kadala-dala. Matitigas ang ulo at tamad ang mga taong tumatawid sa bawal na tawiran.

Pero may naisip ang Metro Manila Development Authority (MMDA) para maiwasan ang aksidente ng mga sutil na tumatawid sa kalsada. Tinaasan na ang multa laban sa mga jaywalkers. Mula P150 ay ginawang P200 na ang multa. Ang pagtataas sa multa ay napagkasunduan ng lahat ng mayors sa Metro Manila. Inaasahang ang pagtataas ng multa sa jaywalkers ay makakabawas sa mga lumalabag sa batas sa lansangan. Bukod sa P200 na multa, magre-render rin ng community service ang jaywalker.

Wala raw patatawaring jaywalker at ipatutupad ang batas, ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino. Mas lalo raw patitindihin ang kampanya laban sa jaywalking sa school vicinities. Umano, kaya maraming nasasagasaan ay dahil sa pagtawid sa hindi tamang tawiran. Maraming bata ang nasasagasaan sapagkat tumatawid sa bawal na tawiran. Pero hindi naman masisisi ang mga bata sapagkat ginaya lamang nila ang ginawa ng mga matatanda.

Harinawang magkatotoo ang sinabi ng MMDA na maghihigpit sa jaywalkers. Hindi sana ningas-kugon ang kampanya para naman mabawasan ang mga nasasagasaan. Magtalaga sana ng traffic enforcers para ganap na mapigilan ang pagtawid ng mga walang disiplinang pedestrians.

Ipatupad din naman ng MMDA na gamitin ng mga tao ang mga ipinatayong overpass na ginastusan ng milyong piso. Kastiguhin din naman ang mga drayber na hindi humihinto sa pedestrian lane o kapag oras ng pagtawid ng mga tao. Kadalasan, kaya may nasasagasaan ay sapagkat may mga ignoranteng drayber na hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng mga malalaking puting guhit sa kalsada.

BUKOD

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

HARINAWANG

INAASAHANG

IPATUPAD

KADALASAN

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with