Kulog at kidlat
Mayo A-dose na – umagang umaga
mainit na summer ay medyo nawala;
Kumulog, kumidlat umulang bahagya
at saka may hangin – dampa ko’y umuga!
Kasunod ng kidlat at saka ng kulog
lumakas ang hangin na mula sa bundok;
Malalaking bahay kubo kong marupok
sa ulan at hangin waring niyuyugyog!
Kaya ramdam namin ang bagyong dumating
yao’y thunder storm kung ating tawagin;
Magkasamang ulan – malakas na hangin
isang oras lamang ito’y umalis din!
Subali’t kapagka ang kulog at kidlat
ang ulan at hangin ay naging magdamag;
Ito ay bagyo nang ating tinatawag!
matibay mang pader posibleng matibag!
Kaya nga sa tao ang kulog at kidlat
ay mga hiwagang sa langit nagbuhat;
Kung silang dalawa ay hindi lalabas
baka maglaho na sa atin ang lahat!
Malakas ang kidlat daig ang kuyente
higit na malakas ang kanyang boltahe;
Mga ilaw natin ay patay at sindi –
sa bayan at nayon ito’y nangyayari!
Ang kulog at kidlat kailangan natin
sila ay babalang sa langit nanggaling;
Kung sila ay wala sa daigdig natin
mabibigla tayo sa bagyong darating!
Kaya nga talagang makapangyarihan
ating Amang Diyos nasa kalangitan;
Dahil tanging Siya ang nakaaalam
kung kailan babagyo’t sisikat ang araw!
Sungit ng panahon kontrolado Niya
kaya sa Philippines Siya’y mahalaga;
Scaraborough Shoal kung nanaisin N’ya
hindi maangkin ng malaking bansa!
- Latest
- Trending