EDITORYAL - Modernisasyon sa Philippine Air Force
KAILANGAN nang magkaroon ng mga bagong eroplano ang Philippine Air Force (PAF). Dapat nang ipatupad ang modernisasyon na matagal na rin namang plano. Ang pinaka-latest na insidente sa PAF kung saan isang trainer plane ang bumagsak sa La Monja Island sa Corregidor ay isang matibay na dahilan na dapat nang alisin ang mga eroplano at palitan ng mga bago. Kung hindi pa magkakaroon ng mga bagong eroplano ang PAF, kawawa naman ang mga piloto na mapipilitang sumakay sa mga “lumilipad na kabaong”. Inilalagay ng PAF sa panganib ang buhay ng mga piloto sa patuloy na paggamit ng mga lumang eroplano.
Ayon sa report, umalis ng Sangley Point, Cavite ang SF-260 trainer plane at makaraan ang 10 minuto ay bigla na lamang nawala sa radar. Sakay ng trainer plane ang dalawang piloto, isang Air force major at isang lieutenant. Ayon sa mga nakasaksing mangingisda, nakita nila ang pagbagsak ng eroplano dakong alas-siyete ng umaga. Ang nakapagtataka, hindi makita ang mga sakay na piloto. Kamakalawa, nakita na umano ang mga debris ng trainer plane. Nakita na rin ang mga helmet ng piloto pero nananatiling wala ang mga katawan ng piloto. Malaki naman ang paniwala na maaaring buhay pa ang dalawang piloto.
Dahil sa pagbagsak, napilitang i-grounded ng PAF ang natitira pang anim na eroplano ng PAF. Ayon sa pamunuan ng PAF, rerebyuhin nila ang mga record ng SF-260 para malaman ang kalaga-yan ng mga ito. Pero hindi naman daw ibig sabihin na wala nang kakayahan ang mga natitira pang eroplano.
Ang pagbagsak ng trainer plane ay isa na namang dagok sa PAF. Lagi na lang biruan na ang Philipppine Air Force daw ay puro hangin pero walang force. Maaaring totoo nga ito dahil sa la-test na pagbagsak. Nataon pa ang insidente sa panahong maigting ang sitwasyon sa Panatag Shoal o Scarborough Shoal kung saan ay inaangkin ito ng China.
Marahil ang pagbagsak ay babala at paalala na dapat nang imodernisa ang mga eroplano ng PAF. Now na!
- Latest
- Trending