^

PSN Opinyon

CCTV camera sa kalye, wala sa plano ni Bartolome

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MAGING ang mga negosyante sa Binondo, Manila ay dismayado sa pagkawala sa kalye ng mga CCTV camera. Nagbilihan at nagpakabit ng CCTV camera ang mga negosyante matapos silang hikayatin noon ni dating National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Dir. Boysie Rosales na ayunan ang programa niya para mapababa ang bilang ng kriminalidad sa Metro Manila. Kahit gumastos ng mula P35,000 pataas ang mga negosyante sa Binondo, hindi nila ito iniinda dahil para naman ito sa seguridad at kapakanan nila. Subalit nang masibak si Rosales sa NCRPO, nawala na rin ang kinang ng CCTV camera at naglaho na rin na parang bula ang pera nila. Ano sa ngayon ang gagawin ng mga negosyante sa CCTV camera nila? Mukhang wala na sa plano nina PNP chief Dir Gen. Nicanor Bartolome at NCRPO chief Dir. Alan Purisima na balikan ang programa ni Rosales na umani ng papuri sa taga-Metro Manila.

Hindi nagdalawang-isip ang mga negosyante sa Binondo na maglabas ng pera para sa CCTV camera nila nang makausap sila ni Rosales. Malakas kasi ang convincing power ni Rosales. Katwiran kasi ng mga negosyanteng nakausap ko, kapag si Rosales ay nag-solicit ng pondo, kung ano ang sasabihin niya ay nandun talaga napupunta ang nakakalap na pitsa. Subalit ang kalakaran naman sa PNP ay kapag maganda ang programa mo, ang papalit sa’yo ay hindi ito ipagpapatuloy dahil mapapahiya sila o matutuklasan na wala silang binatbat, he-he-he. Marami sila d’yan, di ba mga suki? Kaya sa tingin ko matagal pa bago may magpapatuloy sa CCTV camera na programa ni Rosales, na minabuting mag-non duty status na imbes na hintayin ang retirement niya sa Hulyo. Marami ang nanghihinayang sa liderato ni Rosales lalo na sa MPD kung saan siya ay naging hepe rin. Batid ng mga kausap ko sa MPD at maging ang mga negosyante na malaking papel ang gagam­panan ng CCTV camera lalo na sa kampanya laban sa kriminalidad.

Subalit sa ngayon, wala nang interes ang PNP na ipagpatuloy ito. Kaya tuloy namamayagpag ang mga “riding-in-tandem” sa kalsada at naiiwang tulala ang mga pulis dahil hirap na hirap sila sa panghuhula kahit na gumamit pa sila ng bolang kristal ni Madam Auring, he-he-he. Umaalma tuloy ang ilang matitinong opisyales ng PNP sa pang-iinsulto ng ilang kababayan matapos mangharabas ang Intelligence Group (IG) sa mga sugal at beerhouse sa buong bansa kaysa bigyan ng agarang sulusyon ang mga kriminalidad, at aba nag-solicit sila sa gambling lords at beerhouse owners para sa shootfest ni Bartolome sa hometown niya sa Tarlac. Kaya pinagtatawanan lang ng mga kausap ko sa MPD ang IG ni Chief Supt. Charles Calima dahil kung anu-anong pakulo ang ginagawa niya eh dun din sa lingguhang tong ang bagsak nila. Mukhang si Molly Acuna ang nanalo sa bidding ni Calima. Gamit naman ng tropa ni Acuna ang opisina ni Dep. Dir. Gen. Emelito Sarmiento, hepe ng anti-illegal gamb­ling na itinayo ni Bartolome. Matagal na wala sa puwesto sina Sarmiento at Calima at mukhang gutom na gutom sila.

Abangan!

ALAN PURISIMA

BARTOLOME

BINONDO

BOYSIE ROSALES

CALIMA

KAYA

METRO MANILA

ROSALES

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with