^

PSN Opinyon

'Ninakawang Package'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

MARAMI na ang naging biktima ng mga kumpanyang nag-aalok ng serbisyo ng pagpapadala ng mga packages o pera mula sa malalayong lugar.

Hanggang sa kasalukuyan, umaakyat pa rin ang bilang ng mga nadidismaya dahil sa hindi magandang serbisyong natatanggap nila mula sa mga shipping companies.

Suki ng mga kumpanyang tulad nito ang mga kababa-yan nating Overseas Filipino Workers na nagpapadala ng mga kagamitan, pera at iba pang pangangailangan para sa kanilang pamilya at mga mahal sa buhay.

Karaniwang reklamo sa mga shipping companies ang delayed o late na dating ng mga packages.

Kung minsan kasi ay umaabot ng ilang linggo o buwan ang pagdating ng mga balikbayan boxes. May ilang insidente pa na hindi na nakakarating ang package sa pinapadalhang tao.

Pero isang e-mail ang nakatawag sa pansin ng BI-TAG. Isang kapatid ng OFW na si Edgardo Ocampo ang humihingi ng tulong sa amin para isumbong ang nangyari sa ipinadalang mga kagamitan ng kaniyang kuya.

Basahing mabuti ang ilang bahagi ng kaniyang liham sa BITAG:

 ... Nagpadala po ng package si Edgardo Ocampo from US to Philippines sa mga family nya ang receiver po ang panganay nyang kapatid na si Marvin Ocampo, na received po nila ang package noong April 20, 2012 ng madaling araw 1am na po iun (April 21, 2012), ng buksan po ito magulo ang laman ng box sa loob at hindi nagtutugma ang mga gamit na sinabi ni Edgardo Ocampo sa loob ng box kulang kulang po ang laman ng box kulang-kulang po ito at nawala ang ibang gamit worth 30 thousand o mahigit po ang laman ng nawa­walang gamit sa loob ng box na ito gaya ng mga welding machine, welding gauge, sapatos, damit, pantalon, chocolates, at mga iba pang can goods at gamit.. gusto po namen maibalik ito at mag reklamo sa Manila Forwarders Corporation ang ahente na nagdala nito…

Mahigit dalawang ta­ ong pinag-ipunan ni Ed­gardo ang mga ipina­dalang kagamitan para sa pamilya.

Kaya naman matin­ding pagkadismaya ang naramdaman hindi lamang ng OFW na si Ed­gardo kundi maging ang pamilyang pinadalhan niya ng kagamitan.

Malinaw kung sino ang responsable sa insidenteng ito, ang Manila Forwarders Corporation.

Kaya’t sa pamunuan ng Manila Forwarders Corporation, simulan na ninyo ang imbestigasyon ng ganitong estilo ng pagnanakaw sa loob ng inyong kumpanya.

Huwag ninyong hintayin na manghimasok pa ang BITAG sa imbes­tigasyon kung sino sa inyong mga tauhan ang nangangalkal ng mga ipinapadalang packages ng mga kababayan natin mula sa iba’t ibang bansa.

BASAHING

EDGARDO OCAMPO

HANGGANG

KAYA

MANILA FORWARDERS CORPORATION

MARVIN OCAMPO

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with