^

PSN Opinyon

Anti-bullying na kampanya

K KA LANG? - Korina Sanchez -

HINDI ko naranasan ang ma-bully sa paaralan noong bata pa ako, dahil hindi naman uso iyon sa paaralan namin na puro babae ang estudyante. Sa aking pagkaalam, hindi rin naranasan ng lahat ng kapatid kong la-laki ang maging biktima ng pambu-bully, dahil sila yung tipong pumapalag. Lilinawin ko lang na hindi sila ang mga bully! Mabuti na’t malinaw iyon. Pero tila dumami nga ang kaso ng bullying sa mga paaralan, partikular sa mga lalaki, sa nakaraang dekada.

May mga umaabot sa aming mga kuwento kung saan nauuwi na sa pagbabanta sa buhay ang tindi ng pambu-bully ng ibang mga bata na tila wala na sa tamang pag-iisip. Mga nagdadala pa ng mga baril at nanunutok sa mga kaklase nilang pinag-iinitan, na wala namang dahilan. Nakursunadahan lang, ika nga. Kadalasan, mga nagpapasikat itong mga nambu-bully na ito sa kanyang mga kaibigan. Pero may mga wala na talaga sa tamang pag-iisip. Bukod sa pambu-bully, masama na rin ang pag-aaral at maraming problema na rin sa bahay!

Kaya mabuti at may kampanya na ang DepEd laban sa pambu-bully ng ilang mga bata sa kapwa nilang kasama. May mga patakaran na inihain sa mga paaralan, para sundan kung sakaling may insidente ng bul-lying na maganap o mareklamo. Kasama ang mga magulang sa bagong kampanyang ito. Madalas, yung mga magulang ng mga bully ay hindi alam na ganun na pala ang kanilang anak! Nagugulat na lang kapag tinatawag na ng paaralan para makausap. May oras na dapat aksyunan kaagad, kung hindi, mga opisyal naman nung paaralan ang mananagot sa DepEd.

Pero may kasabihan, walang masamang bata, masamang magulang meron. Saan pa nga ba matututu-nan ang manliit at magbanta sa kanila? Kaya dapat ding tingnan ang kapaligiran nung bata sa bahay, para makahanap ng mga solusyon sa pagbabago ng kaugalian ng bata.

BATA

BUKOD

BULLY

KADALASAN

KASAMA

KAYA

LILINAWIN

MADALAS

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with