Pagkilala sa mga tapat: Arnold at Lilia Banton
E-MAIL ito ni dating senador Aquilino “Nene” Pimentel Jr. Dinadakila niya at dapat lang ang dalawang mararangal na tao na nakilala niya.
Simpleng mag-asawa sila, may tatlong anak na babae, edad 6, 5, at 3, at nakatira sila sa inuupahang munting apartment. Empleyado si Arnold Banton bilang “chopper” o taga-tadtad sa tindahang matadero sa Quezon City. Ang asawang si Lilia ay full-time housewife.
Isang madaling araw nu’ng Abril, habang naglalakad patungong bus stop sa mataong kalsada, napulot ni Arnold ang kakalat-kalat na pitaka. Napansin niyang lulan nito ang mahigit isang libong piso at ilang papeles. Pero hindi ‘yon ang mahalaga. Naghanap agad si Arnold ng identification papers. At nakita niya ang driver’s license.
Mula sa lisensiya napag-alaman ng mag-asawa na ang pitaka ay pag-aari ng isang nagngangalang Noel. May napansin silang numero ng telepono sa sobre ng parcel deli-very. Tinawagan nila ito. Ang nakasagot ay si Noel, na hindi na umaasang maibabalik pa ang pitaka. Pinapunta nila siya sa kanilang tirahan. Doon iniabot nila sa kanya ang pitaka walang bawas ang laman, ni isang kusing. Naikuwento ni Noel ang pangyayari kay Senador Nene, at napabula- las daw ito ng “Halos di matoohan (kamangha-mangha).”
Hindi humingi ang mag-asawang Banton na anomang pabuya., ani Noel
“Bakit ninyo agad-agad sinikap maisoli ang pitaka sa may-ari?” tanong ni Senador Nene nang makilala niya sina Arnold at Lilia.
“Hindi naman sa amin ‘yon, at mas kailangan ng may-ari,” anila.
At papano naman ninyo napagkakasya ang kinikita?”
“Tipid-tipid at kayod.”
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest
- Trending