^

PSN Opinyon

'Di-matayog na lipad

DURIAN SHAKE -

SINIMULAN ang formal cooperation ng Brunei, Indonesia, Malaysia and the Philippines-East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) noong 1994 na kung saan ang sub-regional grouping na ito ay binubuo ng East Indonesia, East Malaysia, Brunei Darussalam at Mindanao.

May tinatayang 150 million consumers ang combined market ng BIMP-EAGA na naging dahilan upang paigtingin ang cross-border travel at trade sa mga nasabing lugar na sakop nito.

At nitong nakaraang April 18-19 ay ginanap dito sa Davao City ang First Equator Asia Air Access forum, Airline CEOs Summit na dinaluhan ng mga chief executive officers ng mga airlines sa BIMP-EAGA.

Muling naungkat sa pagtitipon ng mga airline executives dito ang problema sa mga flights na nagko-connect sa mga iba’t ibang bahagi ng BIMP-EAGA, tulad na lang ng Min­danao patungong Manado sa North Sulawesi, Indonesia at maging sa Sabah, East Malaysia.

Ilang ulit na kasing may mga airlines na nagsumikap na makapagbiyahe sa pagitan ng Davao City at Manado, maging Zamboanga City at Sandakan o di kaya ay Davao City at Kota Kinabalu.

Nagkaroon nga noon ng mga direct flights sa pagitan ng mga nasabing airport ngunit hindi rin sila nagtatagal at hinihinto nila ang lipad nila dahil sa kakulangan ng pasahero.

Nandun ang Bouraq Airlines, Garuda Airlines, AirPhilippines, Sriwajaya Airlines na bumibiyahe (direct flights) sa pagitan ng Davao City at Manado. At ang Malaysia Airlines naman ang nagdadala ng pasahero sa pagitan ng Kota Kinabalu at Davao City.

Ang 19-seater na Mid-Sea Airlines na lang ang nag-iisang bumibiyahe ngayon ng direct flights sa Davao City at Manado kada Linggo.

Naging malaking hadlang nga ang load factor sa pagpatuloy ng direct flights na ito sa BIMP-EAGA.

Kahit na sabihin pa nga na mahigit isang oras lang ang biyahe sa Davao City at Manado kung ikumpara naman sa napakahabang travel ng higit dalawang araw na manggaling pa ng Davao City patungong Manila at sasakay naman patungong Singapore tapos dadaan pa ng Jakarta bago makarating ng Manado, ay talagang kakaunti lang ang naging pasahero ng mga sinasabing direct flights.

Hindi naman pupuwedeng patuloy na lilipad ang mga airlines sa pagitan ng mga component areas ng BIMP-EAGA na palugi. May hangganan din ang mga bulsa ng mga nasabing airlines.

Sana patuloy ding tatalakayin ng senior officials at ministers ng mga BIMP-EAGA ang nasabing problema at nang mahanapan ng solusyon para hindi magkahiwalay ang nabuong geo-economic grouping gaya ng BIMP-EAGA.

vuukle comment

AIRLINES

BIMP

CITY

DAVAO

DAVAO CITY

EAGA

EAST MALAYSIA

KOTA KINABALU

MANADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with