^

PSN Opinyon

Pagbati sa Bayan (Binigkas ng awtor noong Buwan ng Wika sa Liwasang Bayan San Pedro, Laguna)

PILANTIK - Dadong Matinik -

Ako’y mula sa kawalang

pinalad na maging ako,

Ako’y labi ng digmaa’t

nakaligtas sa delubyo

Kayumangging kulay

kadugo ni Lapulapu,

Ako’y sugo ni Balagtas

kaya damit Pilipino

Nguni’t bago ko kalbitin

ang bagting ng kudyapi

Ako muna’y magpupugay

sa lahat ng naririto!

Sa lahat ng nariritong

panauhi’t kababayan

Ay tutop ang aking puso’t

mapitagang nagpupugay

At sa piling mga dilag –

magagandang paraluman

Ay tutop din yaring diwa’t

nakayukong nagpupugay

Na lakip ang pagsasabing

kayong lahat ay mabuhay;

Mabuhay ang Pilipinas –

mabuhay ang ating Bayan!

Saang baya’t saang pook

sa loob ng Pilipinas,

Patuloy na ginagawa

ang ganitong pag-uusap?

Dito lamang kaya ako’y

walang takot na humarap

At sa Wikang Filipino

ay humabi ng pangarap;

Ngunit bago ko kalbitin

ang gitarang walang kwerdas –

 Ako muna’y salubungin

sa mainit na palakpak!

Salamat po sa inyong

masigabong palakpakan,

At sapagkat ako naman

isang sampay-bakod lamang;

Upang ako sa pagtula

magkadiwa’t magkabuhay

Itulot n’yong ngayon gabi

akin munang makamayan –

Si Mayor Calixto R. Cataquiz

at ang kanyang Ginang,

Na sa bayan ng San Pedro

ay tunay na nagmamahal!

AKO

BALAGTAS

BAYAN

CATAQUIZ

DITO

PILIPINAS

SAN PEDRO

SI MAYOR CALIXTO R

WIKANG FILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with