^

PSN Opinyon

EDITORYAL - 3rd ang Pilipinas sa dami ng pinapatay na mamamahayag

-

DATI ay pangalawa ang Pilipinas sa pinaka-delikadong bansa para sa mga mamamahayag. Pero sa pinaka-huling tala ng 2012 Impunity Index na inilabas noong Abril 17 ng New York based-Committee to Protect Journalists (CPJ), bumagsak sa pangatlo ang Pilipinas. Nangunguna pa rin ang Iraq at pa­ngalawa ang Somalia. Ikaapat naman ang Sri Lanka, panglima ang Colombia, pang-anim ang Nepal, pangpito ang Afghanistan, pangwalo ang Mexico, pangsiyam ang Russia at pangsampu ang Pakistan.

Sa sampung nabanggit na bansa, tanging ang Pilipinas at Iraq ang may pinakamaraming pinatay na mamamahayag at ang matindi, wala pang nalulutas sa mga nangyaring pagpatay. Sa tala ng CPJ, may 55 mamamahayag na pinatay sa Pilipinas at sa kabila nito, masyadong mabagal ang pamahalaan sa pagresolba ng mga kaso. Ayon sa CPJ walang palatandaan ng progreso ang paglutas sa mga pagpatay sa mga mamamahayag sa Pilipinas. Hindi kinakikitaan na mapaparusahan ang mga sangkot sa pagpatay sa mga mamamahayag. Malabo anila ang kinahihinatnan ng kasong pagpatay.

Isang halimbawa ng madugong pagpatay sa mga mamamahayag ay ang Maguindanao massacre noong Nobyembre 2009 kung saan mahigit 30 ang pinatay. Hanggang ngayon, hindi pa natatapos ang kaso at walang nakaaalam kung hanggang kailan maghihintay ang mga kaanak ng pinatay na mamamahayag.

Maraming mamamahayag ang parang manok na binabaril. Noong nakaraang taon, binaril at napatay ang mamamahayag na si Gerardo Ortega ng Puerto Princesa City, Palawan. Hanggang ngayon wala pang linaw ang pagpatay sa kanya. Ang mga “utak” sa pagpatay ay hindi pa sumusuko at tila walang magawa ang Philippine National Police (PNP) kung paano hahanapin ang mga ito. Natatakot ba ang PNP sapagkat maiimpluwensiya ang mga itinuturong “utak” sa krimen.

Pangatlo ang Pilipinas sa delikadong bansa para sa mga mamamahayag. Nakakatakot ito. Nararapat nang ipakita ng pamahalaan na mayroon silang kakayahan para protektahan ang mamamahayag. Ipagkaloob ang hustisya sa mga bumulagtang mamamahayag.

GERARDO ORTEGA

HANGGANG

IMPUNITY INDEX

MAMAMAHAYAG

NEW YORK

PAGPATAY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PILIPINAS

PROTECT JOURNALISTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with