Napagkuwentuhan namin ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang “fully abled nation campaign” na nagsusulong ng mas epektibong paglahok ng person with disabilities (PWDs) tuwing election.
Ang kampanya ay inisyatiba ng The Asia Foundation at Australian Agency for International Development sa pangunguna ni Foundation Acting Country Representative Ky Johnson at Australian Ambassador to the Philippines Bill Twedell. Ito umano ay programang pantulong nila para sa PWDs.
Sa survey ng Social Weather Stations, mababa at lalo pang lumiliit ang bilang ng PWDs na lumalahok sa election. Noong 2007 election, 60 porsiyento lang ng mga PWD ang nagparehistro at bumoto, at bumaba pa ito sa 54 porsiyento noong 2010 election. Ilan umano sa mga dahilan nito ay ang kakulangan pa sa pagtitiyak ng accessible polling areas, mga Braille-printed na balota at sign language interpreters sa polling centers.
Ayon sa Comelec, ang nasabing kampanya ay ma-laking tulong sa PWD voters’ empowerment na sumasaklaw sa paglahok ng mga may kapansanan sa iba’t ibang aspeto ng election tulad ng pagpaparehistro, aktuwal na pagboto at ang pag-aasikaso ng kanilang kapa-kanan sa mga lehislasyon at patakarang isusulong ng mga maluluklok na opisyal ng pamahalaan.
Ang pag-ayuda sa mga PWD sa election at ang kabuuang empowerment nila ay kabilang sa mga prayoridad na lehislasyon ni Jinggoy. Ilan sa mga panukala niya hinggil dito ay ang: Senate Bill 617: Special Polling Place Act na nagtatakda ng barrier-free environment for polling places na may espesyal na sidewalks, ramps, railings at mga katulad na pasilidad para sa mga may kapansanan; SB 619: Public Education for Handicapped Children; SB 660: Gifted and Handicapped Children and Youth Act; at SB 860: Ibayong pagpapalakas ng Magna Carta for Disabled Persons.
* * *
Birthday greetings: President Erap (Abril 19).