Pagpupugay sa mga beterano
KAMI ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay nakikiisa sa komemorasyon ng “Philippine Veterans’ Week” na ginaganap tuwing Abril 5 hanggang Abril 9 (Araw ng Kagitingan) taun-taon.
Ang komemorasyong ito ay bilang pagpupugay sa mga beterano na nagtanggol sa bansa mula sa pananakop ng mga Hapones noong World War 2. Ang okasyon ngayong taon ay may temang “Beterano: Tagasulong ng tunay at walang humpay na pagbabago.”
Ayon kay Jinggoy, kasabay ng mga seremonyas ng pagkilala sa mga beterano ay kailangan ding tiyakin ng pamahalaan ang ayuda sa pangangailangan nila at kanilang mga dependent. Marami sa mga beterano ay nagkasakit o nagkaroon ng kapansanan dahil sa ginawa nilang pakikidigma, habang ang iba pa ay namatay na at hindi na naitaguyod ang kinabukasan ng kanilang pamilya.
Isinusulong ni Jinggoy ang mga sumusunod na panukala para sa kapakanan ng mga beterano at kanilang pamilya:
• Senate Bill 733: Pagpapalawak ng Veterans Fe-deration of the Philippines.
• SB 698: Payment of the Administrative Total Disability Pension to Senior Veterans of Wars and Military Campaigns.
• SB 521: Establishment of the Office of Veterans Affairs in the Philippine Embassy in the United States of America.
• SB 499: Upgrading the Benefits for Military Vete-rans and their Dependents.
Sinabi ni Jinggoy: “The concrete manifestation of the government’s profound gratitude to our gallant veterans is to expend all efforts to provide needed assistance, financial or otherwise, to our indubitably genuine heroes.”
* * *
Happy birthday kina Mayor Davis Omar Masigon ng Santa Maria, Isabela (Abril 10) at Mayor Ronnie Magana ng Talisay, Camarines Norte (Abril 12).
Nakikidalamhati ako sa pagyao ni da-ting aktor at brodkaster Angelo Castro Jr. na isang malapit na kaibigan ng pamilya Estrada.
- Latest
- Trending