^

PSN Opinyon

Selebrasyon

K KA LANG? - Korina Sanchez -

MALIGAYANG Pasko ng Pagkabuhay! Muling nagtatapos ang isa na namang panahon ng Kuwaresma sa Pilipinas, at sa buong mundong Kristiyano! Ito ang araw kung saan muling nabuhay ang Panginoong Hesus, para patunayan ang kanyang mga sinabi noong siya ay nangangaral pa sa Jerusalem kasama ang mga disipulo. Ito ang patunay na siya nga ay anak ng Diyos. Sa doktrinang ito nakataguyod ang pananampalataya ng mga Kristiyano. Kaya walang puntod si Hesus sa mundong ito ay dahil wala na nga ang kanyang katawan. Resureksyon, o Pasko ng Pagkabuhay ang hinahangad ng lahat ng Kristiyano. Kapag may namamatay na mahal sa buhay, ang lagi nating sinasabi ay magsasama tayo muli sa resureksyon.

Pero bago naging maligaya na naman ang mundo ng mga Kristiyano sa Pilipinas, dumaan muna sa isa na namang madugong Biyernes Santo ang Pampanga. Ilang deboto o panatiko, ang nagpapako na naman sa krus! Taun-taon na ginaganap ang mga panatang ito, na naging atraksyon na rin para sa mga turistang lokal at dayuhan. Saan ka nga naman makakakita ng pinapako sa krus! At bukod sa mga pinapako sa krus, may mga lumalatigo naman ng kanilang mga sarili hanggang sa maging duguan na ang mga likod! May mga nagpuputong din ng mga koronang-tinik at nagpapasan ng krus.

Pero wala pang gumagawa ng lahat na iyan, at sa huli ay magpapapako pa rin sa krus! Ang ating Panginoong Hesus ay dinaanan ang lahat ng kahirapan na iyan, sinibat pa ang kanyang tagiliran, dumaan sa matinding pagkauhaw at bago hininga ang huling hinga. Diyan makikita kung gaano kalakas din ang katawan ni Hesus, bago tinuluyan. Kung anong klaseng kahirapan at kahihiyan ang kanyang dinanas, para lamang mamatay sa krus! Na ang kanyang ginawa ay hindi pangkaraniwan na makokopya na lamang tuwing Kuwaresma.

Hindi hinuhusgahan ng simbahan ang mga deboto o panatiko, na sinasaktan ang mga sarili nila tuwing Biyernes Santo. Pero hindi rin ikinakatuwa ng Simbahan ang ginagawang bakasyunan ang mga mahal na araw, kahit mga dayuhan pa ang naaakit!

vuukle comment

BIYERNES SANTO

HESUS

KRISTIYANO

KUWARESMA

PAGKABUHAY

PANGINOONG HESUS

PASKO

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with