^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kulang sa seguridad

-

NGAYON ay tahasang masasabi na hindi ligtas ang shoppers kahit nasa loob ng mall. Maaa-ring makapasok ang mga masasamang-loob at makapaghasik ng lagim. Patay kung patay ang kanilang lakad at walang iniisip kundi maisakatuparan ang kanilang balak. Gagawin ang lahat para makapangholdap at ang lahat nang hahadlang ay wawalisin sa kanilang landas. Pero kung maigting ang seguridad sa mall o establishment na laging pinupuntahan ng mga tao, hindi maisasakatuparan ang anumang balak. Hindi makakapasok ang mga may masamang tangka at hindi malalagay sa peligro ang buhay ng mga shopper.

Ang nangyaring panghoholdap sa loob mismo ng Robinson’s Galleria noong Huwebes ng umaga ay masasabing nagkaroon ng kakulangan sa seguridad. Umano’y nakapasok ang dalawa sa apat na holdaper nang magpanggap na security guard. Armado sila ng pistola at mga granada. Target nila ang roving tellers ng Security Bank na nagdedeliber ng pera sa mga money changer sa loob ng Galleria. Nang magbukas ng alas diyes ng umaga ang Galleria, sumalakay na ang mga magnanakaw. Inagaw sa teller ang bag na may lamang pera. Lumaban ang isang guwardiya pero binaril ng mga holdaper. Nang makalabas, naghagis ng mga granada at apat na shoppers ang nasugatan. Tumakas ang mga holdaper sakay ng dalawang motorsiklo na naghihintay sa EDSA.

Halos ganito rin ang nangyaring panghoholdap sa isang mall sa Makati ilang taon na ang nakararaan. Tinarget ng robbers ang jewelry shop. Nakipagbarilan ang robbers sa mga sekyu at isa ang napatay.

Noong nakaraang taon, isang empleado nang malaking mall sa Quezon City ang binaril ng kanyang asawa at napatay. Noong nakaraang taon din, isang lalaki ang bumaril sa kanyang kaibigang lalaki at pagkaraan ay nagpakamatay din.

Paano naipasok ang granada at baril sa mall? Isang malaking katanungan na ngayon ay paulit-ulit na maririnig? Sino ang nagkulang? Ang mga namamahala sa seguridad. Naghihigpit lang kapag may nangyari na at kapag lumamig ang isyu, balik sa dating gawi. Hindi sana ganito. Ibuhos nang todo ang pagrekisa sa mga papasok para hindi malusutan ng masasamang-loob.

ARMADO

GAGAWIN

HUWEBES

IBUHOS

NANG

NOONG

QUEZON CITY

SECURITY BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with