^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa hair dye, rebonding at deodorant

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

MAY mga dapat tayong alamin tungkol sa mga hair dye, hair rebonding at paggamit ng deodorant. May mga side effect din ito:

1. Paggamit ng hair dye o pampakulay ng buhok.

May mga taong nag-a-allergy sa hair dye. Namamaga at namumula ang kanilang buong ulo at mukha. Mayroon na rin akong nakitang na-ospital dahil dito. Kung ikaw ay may history ng allergy sa gamot, pagkain o anumang bagay, dapat ay ipaalam mo ito sa iyong hair stylist. Sa unang pagkakataon, huwag muna ipakulay ang buong buhok. Subukan ng konti muna at obserbahan kung mag-a-allergy ka.

Isa pang problema sa hair dye ay ang pagkakulay ng balat natin sa batok, noo at tainga. Para maiwasan ito, maglagay muna ng Vaseline o Petroleum jelly sa paligid ng iyong anit at tainga. Mapipigilan nito ang pagdikit ng hair dye sa balat. Kapag nangitim na ang balat, pahiran ito ng toothpaste o puting suka. Mababawasan nito ang mantsa sa balat.

2. Hair rebonding.

Ang rebonding ay isang paraan na pinadederetso at pinakikintab ang buhok. May masamang epekto ito dahil nagiging marupok at dry ang buhok. Ang proseso ng rebonding ay ang pagbali ng sanga sa loob ng buhok at idinidikit ito ulit. Dahil marupok na ang buhok, pinagbabawal na ang pagsuot ng rubber band, headband, clip, at mag-pony tail. Madali kasing mapigtas at malagas ang na-rebonding na buhok. Kung gusto mong mas safe na paraan, ipa-ironing na lang ang buhok.

3. Skin deodorant o pabango.

Safe naman ang paggamit ng deodorant pero may ilang tao ang allergic dito. Ang iba naman ay nangingitim ang kilikili sa deodorant. Kapag nangitim ang iyong kilikili, huwag itong kuskusin dahil lalo lang mangingitim. Ang isang lunas ay ang pagpatak ng calamansi o lemon juice sa kilikili. Pagkaraan ng ilang linggo ay bahagyang puputi ito.

Kung may allergy ka sa deodorant, subukang gumamit ng 100% natural deodorant tulad ng baking soda, corn starch at rubbing alcohol. Una, ipahid sa kilikili ang baking soda. Puwede mo ring paghaluin ng 50% corn starch at 50% baking soda. Mababawasan nito ang amoy at pagpapawis ng kilikili. Pangalawa, para makagawa ng liquid na deodorant, pag­haluin ang ¼ tasa ng rubbing alcohol at ¼ tasa ng baking soda. Ilagay ito sa isang spray bottle. Gamitin sa kilikili tulad ng mga nabibiling deodorant sa tindahan. Mura na, safe pa.

vuukle comment

BUHOK

DAHIL

DEODORANT

GAMITIN

HAIR

ILAGAY

ISA

KAPAG

MABABAWASAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with