^

PSN Opinyon

Tatlong libong piso?

K KA LANG? - Korina Sanchez -

KAILAN lang ay pinag-usapan natin ang industriya ng call center sa Pilipinas at kung paano ito nakatulong nang malaki sa maraming Pilipino na noon ay walang makuhang trabaho kahit saan. Nagbigay ito ng oportunidad sa marami na kumita, kapag nakapagtapos na sa kolehiyo. Bukod doon, nakatulong sa ekonomiya ng bansa ang BPO industry dahil maraming kompanya ang nagsitayuan ng mga call center nila rito, dahil na rin sa dali at galing ng Pilipino sa Ingles. Patuloy pa ring lumalaki ang industriyang ito, kaya tuloy-tuloy pa rin ang ginhawa para sa marami.

Pero dahil sa ilang tao, nagkakaroon na rin ng bahid ang Pilipinong call center. Isang call center agent ang suspindido ngayon dahil umano sa pangingikil na ginawa sa kanyang kliyente. Hi­ningan umano ng $60 ang kausap ng ahente para mapababa ang babayarang bill! Sa mga naka­panayam ng ABS-CBN na mga call center agent, maliwanag na hindi sila natuwa sa ginawa nitong ahente, dahil pati sila ay magkakaroon na rin ng bahid. Sa totoo nga, baka ang buong industriya na!

Eto tayo at gusto nating makilala sa mundo na magandang bansa para magnegosyo. Binebenta natin ang turismo ng bansa, mas masaya rito sa Pilipinas, inaakit natin ang mga malalaki at mayayamang kompanya na mag-invest sa Pilipinas. At ganun nga ang nangyari sa industriya ng call center. Maraming natuwa sa kakayanan ng Pilipinong magtrabaho sa industriyang ito, kaya nagtayuan ang maraming kompanya. Daang libo ang nagkaroon ng trabaho. 

Hindi mawawala ang mga masasamang damo sa kahit anong negosyo, industriya at trabaho. Meron talagang halang ang bituka na hindi nakikita ang kabuuang litrato, at nakikita lamang ang sarili kung paano makakaangat, kahit sa masamang paraan. At sigurado ako na hindi lang mga Pilipino ang gumagawa ng kalokohan sa mga call center. Pero walang kwentang pangangatwiran iyan. Isinasaayos na natin ang ating bansa, dahil may presidente at administrasyon na tayong mapagkakatiwalaan. Kung magiging matagumpay ang pagbenta ng Pilipinas bilang destinasyon sa turismo at negosyo, at masali na rin sa mga malalakas na ekonomiya sa rehiyon, hindi natin kailangan ang mga ganyang klaseng tao! Mga tao na humihila lang sa atin makaangat sa mundo. Tama lang na sibakin, parusahan at hindi na bigyan ng oportunidad pang manira ng imahe ng bansa at Pilipino. Para lamang sa halagang P3,000!

BINEBENTA

BUKOD

CALL

CENTER

DAANG

PERO

PILIPINAS

PILIPINO

PILIPINONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with