^

PSN Opinyon

Lucky 77

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

BELATED Happy Birthday kay Senate President and Ambassador to Washington Ernesto M. Maceda. Kontemporaryo ni Senate President Juan Ponce Enrile, si “Manong” Ernie na 77 years old ay kasama ni Manong Johnny sa eksklusibong sirkulo ng Elder Statesmen na humawak na ng matataas na posisyon sa pamahalaan. Matatawag silang orakulo at lagakan ng kaalaman, karanasan at karunungan. Dahil sa kanilang pinagdaanan at dala ng katungkulang pinagkatiwala sa kanila, maaasahan na ang kanilang input sa mga usaping pampamahalaan ay laging pakikinggan at pag-uusapan.

Si Manong Ernie ay may 3x a week na opinion column na “Search for Truth” sa Philippine STAR at 2x a week na radio program “Mr. Expose” sa DZRJ 810 AM sa Sabado, 5 - 6 p.m. at Linggo, 8 – 9 p.m. Gaya ng kanyang persona bilang lingkod bayan, si Manong sa pamamagitan ng kanyang column at radio program ay patuloy na nagbibigay ng walang sinasantong komentaryo sa lahat ng kapuna-puna sa gobyerno, mula sa Malacanang hanggang sa pinakamaliit na barangay.

Marami ang hindi malimutan ang napaka-propesyonal nitong patakbo ng lahat ng tanggapang pinahawak, mula sa limang kagawaran ng Gabinete (Executive Secretary, DTI, DENR, DILG at Commission on Reorganization), sa pagiging Ambassador to the United States hanggang sa pagiging pangulo ng Senado. Subalit kung mayroong po­sisyon sa gobyerno kung saan talagang nakilala si Manong – nag-iwan ito ng marka, ‘ika nga – ito ay sa pagiging 3 time Senator (1971-75, 1987-92, 1992-98).

Ang boses ni Manong sa Senado ang na­ging boses ng katwiran, katotohanan at pananagutan. Habang si Sen. Maceda ay tumatayong bantay ng bayan, walang kalokohang makakalampas, kahit pa ang pinakamatataas na hanay ng Militar, Kapulisan at maging ang mismong Palasyo ang sangkot. Dahil sa kanyang pagbabantay, nasisiguro na ang daan ay mananatiling tuwid. Sinuklian ito ng bansa ng mataas na Top 5 sa 1992 Senate results at kinilala siyang Valedictorian of the Senate.

Sa lahat ng panahon ay mapapakinabangan ng Senado at ng taong bayan ang uri ng ser­bisyong walang kapa­guran na walang kinatatakutan, walang kinikilingan at walang inaatrasan. Ma­ligayang kaarawan Senador Ernie Maceda.

vuukle comment

DAHIL

ELDER STATESMEN

EXECUTIVE SECRETARY

HAPPY BIRTHDAY

MACEDA

MANONG

MANONG JOHNNY

MR. EXPOSE

SENADO

SENADOR ERNIE MACEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with