^

PSN Opinyon

Phantom list

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

ANG sabi ng iba’y nag-umpisa ang hindi magandang pagtrato kay Chief Justice Corona nang hiniya ito nang harapan ni P-Noy sa Manila Hotel. Para sa akin ay OK lang ang naganap doon na lambingan – bahagi ito ng pulitika na hindi dapat iniinda, lalo na ng mga humahawak nang matataas na puwesto. “Occupational hazard”, ‘ika nga, ang mapagbuntungan ng ganung kritisismo. Nakakapanibago nga lang na gawin itong lantaran ng mismong presidente. Subalit habang naitatago ito sa taguring “personal opinion”, hindi matatanggal ang karapatan niyang gawin ito. Kung paano niya gawin ay depende na lang sa kung ano ang kinalakihan.

Ang tunay na umpisa nang hindi magandang pagtrato kay CJ ay nang ilabas ng prosekusyon ang talaan ng 45 real properties na pag-aari raw ng mga Corona. Sino ang makakalimot sa kung paano inanunsyo ng prosecution panel sa engrandeng press conference ang parang konklusibong ebidensya ng kanilang mga paratang? Sa laki ng bilang – 45! – sino ang hindi nalula sa pinamumukhang “kasakiman sa pagkamal”?

Ang listahang ito ang masasabing naging mitsa ng “avalanche”, “dynamite fishing” at “carpet bombing” ng paninira na parang nag-uunahan pa sila ng paglantad ng masamang balita tungkol kay CJ. Sa Ingles, this “set the tone” for the prosecution.

Nang lumaon, napatunayan sa paglilitis at sa mismong panahon ng pagprisinta ng ebidensiya ng prosecution na wala palang ganoong bilang ng propriyedad si CJ. Mismong ang prosecution panel ang umamin na hindi tama ang kanilang pigura.

Ngayong turno ng depensa na magprisinta ng ebidensiya ay lumalabas na ito’y hindi inosenteng pagkakamali kung hindi resulta ng intensyon ng nakapuwesto o kung hindi man ay kriminal na kawalan ng pagsaalang-alang sa kato-tohanan. Malinaw na ang list of 45 na pinangalandakan ng prosecution ay ginamit lang na instrumento ng pang-abuso at pang-api.

Ang ganitong mga pag-asal ang dahilan kung bakit sa kabila ng kawalan ng tiwala ng lipunan kay CJ ay mala­king bahagi pa rin nito ang hindi kumbinsido sa pinaglalaban ng pro-secution.

CHIEF JUSTICE CORONA

KUNG

MALINAW

MANILA HOTEL

MISMONG

SA INGLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with