^

PSN Opinyon

Pagbabalik-loob sa Diyos

- Al G. Pedroche -

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology tungkol sa malakas na lindol na posibleng mangyari ano mang araw sa Metro Manila. Nagiging pangkaraniwan na ang mga lindol sa lahat ng dako ng mundo. Di lamang lindol kundi may kasama pang tsunami o daluyong ng tubig-dagat na lumilikha ng mga malagim na pagbaha.

Nananawagan ang Christian group na Intercessors for the Philippines, Inc. (IFP) sa pamumuno ni Bishop Dan Balais sa bawat Pilipino na manalangin, mag-ayuno at magbalik-loob sa Diyos para mapigil ang mga pangyayaring ito. Bilang Kristiyano’y naniniwala ako na nangyayaring mga kalamidad at kaguluhan sa daigdig dahil nakalilimot ang tao sa Diyos. Ngunit kung magsisisi ang tao, maaaring pigilan ng Diyos ang gagawing paghatol.

Actually, hindi ito parusa para durugin ang tao kundi upang gisingin ang bawat isa sa atin at magbalik-loob tayo sa kanya. Bawat tao, makasalanan o matuwid ay mahal ng Diyos at nais bigyan ng pagkakataong magbago. Sa 2 Chronicle 7:14 malinaw na sinasabing “Ngunit sa sandaling ang bayang ito na aking pinili ay magpakumbaba, manalangin, hanapin ako at talikdan ang kanilang kasamaan, diringgin ko sila. At ibabalik ko sa kanilang lupain ang katiwasayan at kasaganaan,”

Lahat tayo’y umaasam at nangangarap na aasenso na at uunlad ang bansa. Ilang salin na ng mga leader ang naglabas-masok sa gobyerno, wala pa ring pagbabago kundi tila lumulubha ang situwasyon.

If we need our land to be blessed, genuine repentance ang kailangan at pagbabalik-loob sa Diyos. Si Bishop Balais ay senior pastor din ng Christ, the Living Stone Fellowship (CLSF) Church.  

Aniya, ang mga intercessors mula Mindanao, Visayas at Luzon ay nakakita sa pangitain ng mga kalamidad gaya ng malalaking pagbaha na magwawasak sa mga ari-arian at kikitil sa buhay ng marami.

Kaugnay nito, magkaka­roon 21-day prayer and fasting na magsimula sa Marso 15 hanggang Abril 4 upang humingi ng tawad sa mga kasalanan ng ating bansa sa Diyos. Sa karagdagan na impormasyon, pakikontak lang ang IFP sa Tel. Nos. 533-5166/533-5183 o 0922-8937223 at hanapin si Raceli Advincula.    

BILANG KRISTIYANO

BISHOP DAN BALAIS

DIYOS

LIVING STONE FELLOWSHIP

METRO MANILA

NGUNIT

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

RACELI ADVINCULA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with