^

PSN Opinyon

Bill sa VAT, inaamag

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

INUPAKAN!

Sabi nga - left and right job, ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño si Pre­sidential Deputy spokesperson Abigail Valte dahil sa paghamon nito sa mga mambabatas na magsampa ng kinakailangang panukalang-batas na magpapawalambisa o magbabasura sa 12% value aded tax sa mga petroleum product.

Banat ni Casiño, matagal na nilang isinampa sa ­Ko­ngreso o noon pang Agosto 23, 2010 ang House Bill 2719 na magbabasura sa VAT na ipinapataw sa mga produktong langis pero up to now ay alaws pa rin nangyayari kaya nga sa kasawian-palad, inaamag na lang ito sa House Committee on Ways and Means na pinangunguluhan ni Davao Rep. Isidro Ungab.

Hinamon din ni Casiño, si Ungab na pabilisin ang bill at dedmahin ang kautusan ng malakanin este mali Malacañang pala na bigyan ng prayoridad ang malalaking kumpanya ng langis habang binabalewala ang kapakanan ng madlang people sa Philippines my Philippines.

Gawin kaya ito para sa ikakabuti ng madlang public?

Sinabi ni Casiño, malaking ginhawa sa madlang people sa Philippines my Philippines  kapag nawala ang VAT dahil P6 to P9 bawat litro ang matitipid ng mga consumer sa kinokonsumo nilang gasoline at diesel.

Bida ni Casiño, mababawasan din ang presyo ng liquefied petroleum gas na may P800 bawat 11 kg tank ang presyo ngayon sa pamilihan puera pa rito ang delivery charges.

‘Maganda ang gustong mangyari ni Casiño dahil malaking bagay ito sa madlang people na magkaroon ng malaking discount.’ Sabi ng kuwagong nangongo-misyon.

‘Matindi ang lobbying dito baka marami ang hindi pumayag sayang ang ambon sa kanila?’ Ayon sa kuwagong kolektor.

‘Paano ngayon ang dapat gawin?’

‘Maghintay ka na lang, Kamote!’

Sabi nga, abangan.

NAIA worst airport

LAHAT na ata ng paraan na puedeng pag-isipan ng government of the Philippines my Philippines ay ginawa na ng mga bright na opisyal nito para mawala ang bansag sa NAIA na ‘worst airport’ sa buong mundo.

Kaya naman ngayon ay naglaan ng malaking fun­ding ang gobierno para maayos ang NAIA terminal 1 at makahabol ito sa pamantayan ng mga foreign tourist na nakakakita ng mga magagarang airport facilities.

Binalaan na rin ng mga bright people sa gobierno na maging kapita-pitagan at huwag maging bastos ang mga employee sa NAIA.

Sabi nga, bawal na ang pangit este mali pala dapat always smiling at be courteous. Hehehe!

Kambiyo issue, ang masama nga lamang ay up to now ay hindi mapagilan ng mga autorities sa paligid ng NAIA ang mga mandurugas tulad ng salisi gang, holdaper, mandurukot, spider men, mga colurom at mga taxing may ‘batingting’ na kadalasan bumibiktima sa ating mga turista na nagiging dahilan para pumangit ang imahe ng Philippines my Philippines sa mata ng mga banyaga.

Grabe as in grabe ngayon ang mga kagaguhan sa NAIA na dapat bigyan ng aksyon hindi lang ng pulisya sa Pasay City kundi ang mga nakatalaga sa airport na mga authorities.

‘Ano ba ang ginagawa ng mga autoridad sa paliparan?’ Tanong ng kuwagong biktima ng holdap.

‘Nakanganga at pakaang-kaang,’ sagot ng kuwagong naisahan.

‘Paano ngayon ang mga turistang dumarating sa Philippines my Philippines kung sa NAIA pa lang ay sira na ang imahe natin?’

‘Magkakaroon ng sad experience tulad ng trauma.’

Abangan.

Sabi nga, bawal na ang pangit.

ABIGAIL VALTE

BAYAN MUNA REP

CASI

DAVAO REP

HOUSE BILL

LSQUO

PHILIPPINES

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with