^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sariling dialect bilang medium of instructions

-

MAY nakikitang pag-unlad sa edukasyon sa hinaharap. Maaaring lahat ng Pilipino ay matututo nang bumasa at sumulat. Wala nang iliterate na Pinoy. At kung mangyayari, utang ito sa magandang ideya ni DepEd secretary Armin Luistro. Naisip ni Luistro na gamitin ang katutu­bong wika o mother tounge bilang medium of ins­tructions mula Kindergarten hanggang Grade 3. Ayon kay Luistro, ipatutupad ang Mother Tounge-Based Multi-Lingual Education program sa darating na school-year 2012-2013. Labinda­lawang dialect ang gagamitin sa pagtuturo. Ito ay ang Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguin­danaoan, Maranao at Chabacano.

Ang paggamit ng mother tounge language ay inaasahang magdudulot sa estudyante ng kakayahang matuto agad sa pagbasa at pagsulat. Mada-ling maiintindihan ang pinag-aaralan sapagkat ginagamit ang kinalakhan at ginagamit na wika. Inaasahan na madali na ring matututuhan ng mga bata ang ikalawang wika (Filipino) at ang ikatlong wika (English). Kapag naipatupad ang programa, inaasahang madali nang makikipagkomunikas-   yon ang mga bata. Ito ang magiging hakbang para lalo pang umunlad ang kanilang nalalaman sa hinaharap. Ayon pa sa Education secretary, ito ay bahagi ng K to 12 basic education program.

Ngayon lamang lubusang napagtutuunan ng pansin ang edukasyon para sa mga nagsisimulang mag-aral. Napakahalaga ng pundasyon para sa mga batang nagsisimulang mag-aral. Ito ang kanilang pagsisimulan para makalinang nang mataas pang kaalaman sa hinaharap. Kung maganda ang kanilang pundasyon, tiyak na malayo ang kanilang mararating.

Malaki ang aming paniwala na ang programang ito ang magbibigay-daan para lahat ng Pilipino ay makatakas sa kamangmangan. Lahat ay marunong bumasa, sumulat at magkuwenta. Sana rin, matupad ang pangako ng pamahalaan na wala nang kakapusan sa mga classroom sa sunod na school year. Wala nang magka-conduct ng klase sa ilalim ng puno at pasilyo ng school. Naniniwala kami sa kakayahan ng DepEd.

ARMIN LUISTRO

AYON

BIKOL

CEBUANO

CHABACANO

LUISTRO

MOTHER TOUNGE-BASED MULTI-LINGUAL EDUCATION

PILIPINO

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with