DOE, ala - CHED din
HINDI kaya ng gobierno na pigilan ang pagtaas ng mga presyo ng petroleum products kaya naman halos every week na ginawa ni Lord ay panay ang taas ng presyo ng gasolina.
Ang palusot ng DOE, nagsisilbing spokesman ng oil companies, na alaws silang magawa sa pagtaas muli ng presyo ng petroleum products dahil daw sa nangyayaring tension sa Middle East na pangunahin pinagkukunan ng langis natin.
Pareho ang istilo ng DOE at ng CHED wala silang magawa kundi ang tumanga este mali tumunganga pala oras magtaas ng presyo ang mga oil companies sa ilalim ng Department of Energy at Commission on Higher Education sa parte naman ng mga kolehiyo sa Philippines my Philippines.
Kaya naman ang madlang people sa Philippines my Philippines ay tumitili para gisingin si P. Noy na aksyunan nito ang malalang problema sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Gusto ng madlang public na suspindihin ang “value added tax” sa petrolyo para bumaba ang presyo ng langis at kailangan umpisahan ng mga bright dyan sa Kongreso ang pagbasura sa Oil Deregulation Law.
Hindi iyon puro impeachment trial na lamang ang laman ng isipan nila.
Sabi nga, ang pagsibak kay CJ Renato Corona!
Tiyak ang sasabihin ng mga oil companies katiting lamang ang kanilang additional hike pero ang problema ang laking boomerang nito sa lahat ng uri ng bilihin partikular ang pagkain ng madlang pinoy.
Sabi nga, jet sa pagtaas ng presyo!
‘Ano ang mainam?’ Tanong ng kuwagong lula sa presyo ng bilihin.
‘Unti-unti tayong papatayin sa pangyayaring ito?’
‘Ano ang mabuti?’
‘Makinig pa rin sa impeachment trial.’ Hehehe!
Abangan.
DOJ binubusisi ang BI
NAKATAKAS sa mata ng Immigration agents ang isang Koreano habang siya ay ‘under hospital arrest.’
Hindi na sasabihin ang pangalan ng nasabing Koreano na wanted sa kanilang bansa para magkaroon ng magandang imbestigasyon ang DOJ sa mga nagsabwatan Immigration officials na nagbiyakan daw ang pitsa dito.
Ang Korean culprit ay nagmakaawa sa Bureau of Immigration na dalhin siya sa ospital dahil may nararamdaman siyang sakit matapos itong makalaboso sa Bicutan noon.
Pinagbigyan ng immigration ang kahilingan ng kamote na tumagal ng limang buwan sa hospital.
Ayon sa mga asset ng mg kuwago ng ORA MISMO, habang nasa ospital ang Koreano kasama ang mga bantay - salakay niyang mga guardia sibil sa immigration ay nakakalabas pala ito ng pagamutan at kung saan-saan gumagala.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakakalabas pa ito ng Philippines my Philippines dahil nakakuha si Koreano ng panibagong passport na hindi niya pangalan.
Sabi nga, paano iyon ?
Sagot - sa dami ng salapi.
Malaking pera ang pinaghatian para makatakas sa hospital at mawala ang Koreano sa mata ng immigration itinago ito ng mga ahente para hindi pumutok sa media.
Ang masama nga lang naamoy ang kanilang baho kaya banat sa dyaryo ang nangyayari ngayon sa immigration kaya alaws din magawa ang DOJ kundi ang mag-imbestiga dahil mukhang pati sila ay binukulan. Tama ba, Jerome Gabionza, sir ?
Kambiyo issue, ng masakote ng immigration ang Koreano ay tuwang -tuwa sa galak ang Korean goverment dahil sa pangyayari pero ng malaman nito na nakatakas ang culprit naggagalaiti sila sa galit sa Philippines my Philippines.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago
Ano kaya ang masasabi dito ni Atty. Mangrobang ang amo ni Gabionza kapag kinalkal ng DOJ sila.
Sagot - wala? Hehehe!
Abangan.
- Latest
- Trending