^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Panahon ng sunog

-

SUNUD-SUNOD ang sunog ngayong Fire Pre­vention Month. Kahapon, isang sunog ang na­ganap sa Pasig City at natupok ang ilang ka­bahayan. Kamakalawa, tatlong bata ang namatay nang masunog ang isang squatters’ area sa F.B. Harrison, Pasay City. Noong isang araw, isang sunog ang sumiklab sa Quezon City at Valenzuela City. Habang nagpapaalala ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa mamamayan na mag-ingat sa sunog, lalo namang dumami ang insidente nito.

Mula Enero hanggang sa kasalukuyan, mahigit 400 sunog na ang naitala sa Metro Manila. Karaniwang dahilan ng sunog ay nakalimutang kandila, gasera at faulty electrical wiring. Kadalasang nangyayari ang sunog sa lugar na dikit-dikit ang mga bahay­ o squatter’s area. Madaling lamunin ng apoy ang mga gapok na kahoy mga mahihinang mater­yales ng bahay. Sa isang iglap, nakakalat na ang apoy at walang ititira sa mga kabahayan. Sabi nga mabuti pang manakawan, kaysa masunugan. Hindi naman makapasok ang mga bumbero sapagkat walang dadaanan dahil dikit-dikit ang mga bahay.

Hindi rin ligtas sa sunog ang mga boarding house at dormitoryo na nasa university belt. Kadalasang ang mga ito ay walang fire exit. Siksikan sa mga umuupang estudyante subalit kulang naman sa pasilidad. Malaking katanungan kung iniinspeksiyon pa ang mga ito ng city hall officials para malaman kung sumusunod sa regulasyon. Iniinspeksiyon din kaya ang mga school, gusali ng pamahalaan, ospital, sinehan at iba pang establisimento para matiyak kung ligtas kapag nagkasunog?

Hanggang ngayon, hindi pa nalilimutan ang nangyaring sunog sa Ozone Disco sa Quezon City noong March 18, 1996 na ikinamatay ng 162 tao karamihan ay mga kaga-graduate na estudyangte na nagseselebreyt. Natuklasan na walang fire escape ang diskuhan. Nag-panic at nag-unahan sa pag­labas. Marami ang natapakan na kanilang ikinamatay.

Babala sa mamamayan: Mag-ingat sa sunog. Magkaroon na ng leksiyon sa mga nakaraang insidente.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

FIRE PRE

KADALASANG

METRO MANILA

MULA ENERO

OZONE DISCO

PASAY CITY

QUEZON CITY

SUNOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with