^

PSN Opinyon

Ipin pa sa senior citizens act

- Al G. Pedroche -

ALAM ba ninyo na bilang benepisyo sa mga senior citizens o yung may edad na 60 anyos pataas, ang mga bitamina at mineral supplements na inirereseta ng doktor pati na ang mga diapers na ginagamit ng mga baldado nang matatanda ay kasama sa 20 porsyentong diskuwento gaya ng itinatadhana ng batas.

Marami ang hindi nakababatid nito. Kahit ako’y hindi ko alam ito hanggang sa ibunyag ni dating kongresista Benny Abante sa isang forum na dinaluhan ng mga matatanda. Marami ang nagulat.

Si Abante ang awtor ng expanded senior citizens act nang siya’y isa pang mambabatas. Kaso, si Abante ay isa na lamang ordinaryong mamamayan ngayon bagamat awtoridad sa ganitong paksa. Ang tanging magagawa lamang niya ay ang manawagan para sa estriktong implementasyon ng batas. Naging speaker si Abante sa idinaos na forum ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ginanap kamakailan sa Davao City.

Tama siya. Ang siyento porsiyentong implementasyon ng batas ay nananatiling malaking hamon sa mga lokal at pambansang ahensya ng pamahalaan. Kawawa ang mga matatanda. Di bale siguro kung may kaya pero maraming senior citizens ang pobre at walang pera.

Inaatasan ng batas ang mga ahensyang pangkalusugan ng pamahalaan na bigyan ang mga mahihirap na matatanda ng libreng bakuna sa flu, pulmunya at iba pang sakit. Ani Abante, dapat ding igiit ang exemption ng mga matatanda sa 13 porsyentong pataw sa expanded VAT.

Maraming benepisyo sa batas ang mga matatanda kung tutuusin tulad ng tax exemption kung sila’y nagtatrabaho pa.

Bilang miyembro na rin ng senior citizens, ta­la­gang kasama ako sa makikipaglaban sa pagbibigay pa ng ibayong benepisyo sa mga kapwa ko matatanda. After all, di ba nakinabang naman ang ating lipunan sa paglilingkod ng mga taong ito nang sila’y may lakas pa?

ABANTE

ANI ABANTE

BENNY ABANTE

BILANG

DAVAO CITY

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

MARAMI

MATATANDA

SI ABANTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with