^

PSN Opinyon

'Timbog, pinakawalan... Timbog muli'(Huling bahagi)

- Tony Calvento -

NUNG LUNES, naisulat ko ang tungkol sa reklamo ng tatlong umano’y naloko ng Illegal Recruitment.

Sila ay sina Roxanne Villamor, Jenny Tamalla at Alexis Cadorna mga taga-North Cotabato. Inirereklamo nila ang Escrow No Risk Consultancy Services.

Malaki na ang nailalabas nilang pera dahil na rin sa pangakong may naghihintay na trabaho sa kanila. Hindi sila napaalis nito kaya humingi sila ng tulong sa aming tanggapan.

Kami’y nakipag-ugnayan kay Director Samuel Pagdilao, ang hepe ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG).

Nagsagawa ng ‘entrapment operation’ ang CIDG noong ika-13 ng Pebrero kung saan nadagit sila Imelda Dalojo, Noralyn Agustin at Eloisa Beduya.

Gumamit ng ‘marked money’ ang mga operatiba ng CIDG.

Walang lisensya umano sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang Escrow.

Lumabag umano sila sa kasong Republic Act No. 8042 (Migrant Worker’s and Overseas Filipino Act of 1995) as amended by Republic Act No. 10022 at Article 315 (Swindling) of the Revised Penal Code. Nakulong ang mga ito.

Sa hindi inaasahang pangyayari, nakalaya si Beduya pati na rin ang mga kasama nito noong ika-15 ng Pebrero. Ayon kina Roxanne, mag-aalas 10:00 na daw ng gabi nang palabasin ito.

“Ang kailangan daw ay certification galing sa POEA hindi daw verification. Yun daw naging butas ng kaso namin”, kwento ni Jenny.

Isang ‘Release Order’ ang inilabas para sa tatlo na pirmado ng Inquest Prosecutor na si Jonathan M. Aldovino.

Pinarating namin ang nangyaring ito kay City Prosecutor Feliciano Aspi ng Makati. Nangako siya na gagawa ng imbestigasyon sa nangyaring ito.

Muli kaming nakipag-ugnayan sa CIDG kay Director Pagdilao. Sinabi namin na kung maaring i-‘record check’ itong si Beduya dahil meron siyang ‘network’ at opisina (puesto pijo) na magbibigay ng impresyon na ang mga nagreklamo sa amin ay hindi ‘chance victims’ o sa madali’t salita ganito ang kanyang linya ng trabaho.

Positibong lumabas na may Outstanding Warrant of Arrest’ itong si Beduya para sa kasong Large Scale Estafa / Illegal Recruitment’ dahil merong mahigit limampung (50) tao na naghain ng reklamo.

Nakarating sa kaalaman ng CIDG na bukas pa rin ang Escrow. Ginamit nila si Alexis at Jermaine, kapatid ni Roxanne para beripikahin kung andun nga sila Beduya. Nasakote ang mga ito.

Kasalukuyan siyang nakakulong ngayon sa Camp Crame. Masayang bumalik sa amin sina Roxanne, Jenny at Alexis. “Maraming salamat po sa lahat ng tulong ng programa ninyo. Hindi niyo kami pinabayaan. Salamat din sa lahat ng mga taga-CIDG na umasiste sa amin,” wika ni Roxanne.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, hindi man naging lubos na tagumpay nung una ang kasong inilapit sa amin nung tatlong taga-Cotabato, ang multo ng kanyang mga masamang gawain ang tumugis sa kanya na mahalukay ang kanyang warrant na ‘no bail recommended’.

Hindi ko pa rin nalalaman ang resulta ng imbestigasyon ni City Prosec. Aspi tungkol sa dalawang Prosecutor ng Makati na sina Jonathan Aldovino at Christopher Garvida kung anong basehan at bakit nila pinakawalan itong si Beduya at ang kanyang kasamahan gayong nahuli ito sa isang ‘entrapment operation’ (in flangrante de licto).

Kung tama ang sabi ng mga complainants ang dahilan daw ay walang verification mula sa POEA… maling sagot yan! Hindi ba dapat sila ang magpakita ng certification na authorize sila ng POEA na kumuha at mag-‘recruit’ ng mga tao?

Bulok na resolusyon yan! Mula sa mga taong inatasan ng kagawaran ng katarungan na protektahan ang ating mga kababayang biktima ng panloloko.

Sana Prosec. Aspi ay may patunguhan ang imbestigasyon mo. Maljnaw din naman na tuloy pa rin naman ang Preliminary Investigation nitong si Beduya at yung mga kasama niya na hinuli ng CIDG sa Guadalupe noong unang pagkakataon.

Nakakainggit ka Beduya! Lakbay kaso ka. Maglalagari ka mula Gen San to Makati at Makati to Gen San.

Maliwanag pa sa sikat ng araw na ginagago mo ang batas sa pagpapakilala mo na ikaw ay isang ‘Visa Consultant’. Eh bakit nani­ningil ka ng daang libong bayad para sa pagkuha ng ‘tourist visa’?

Kahit na sino maaring mag-apply sa New Zealand para bumisita at kung kwalipikado bakit naman hindi sila papatuluyin sa bansang iyon?

Kahanga-hanga ang pagsusumikap nitong si Alexis para madampot itong si Beduya. Kahanga-hanga nga ba?

Kung ikaw ba Alexis ay nagbabanlaw ng iyong kasalanan (criminal liability) dahil dati kang kawani ng Escrow at tumatangggap ng sweldo na Php6,000. Maaring nakitaan ni Beduya ng potensyal itong si Alexis na makaakit ng prospective applicants. Dating nakapag-ibang bansa at magaling bumoka.

Ikaw Alexis, nagbayad ka ng kabuuang halaga na Php58,000 gamit ang isang ‘credit card’ na hindi mo naman nahuhulugan o nababayaran. Isang laptop, isang cellphone, isang ticket para sa anak ni Beduya.

Hindi kaya pinuhunanan ka din ni Beduya? Ikinuha ka ng ‘credit card’ at ang kinuha mong mga kagamitan ay nagamit sa operations nitong illegal recruitment? Napansin din naman namin na gusto mo na ring makipagtulungan. Isa-suggest namin sa Prosecutor’s Office na gamitin ka bilang isang ‘state witness’ sa kasong ito laban kay Beduya at ng kanyang mga kasama.

Kung lulubus-lubusin mo ang iyong tulong, ibunyag mo ang lahat ng detalye ng kanilang operations. Bago mangyari ito kailangan makasuhan ka muna at pagkatapos hilingin ng Prosecution na ikaw ay i-release sa listahan ng mga akusado upang gawing state witness.

Panghuli, bilang ‘marketing staff’ ng Escrow meron ka bang nakumbinsi doon sa mahigit limampung nagrereklamo laban kay Beduya na ipinasok mo sa Escrow? Nangako sila sa’yo nasa bawat mahihikayat mo ay kikita ka ng Php20,000? Kumita ka ba dito?

Kami’y nagpapasalamat kay Dir. Pagdilao ng CIDG dahil sa laki ng tulong niya sa kasong ito. Ang aming tanggapan at iba pang mga ‘media personalities’ ay kadalasang sa CIDG na inilalapit ang mga reklamo dahil sa ilalim ng pamumuno ni Dir. Pagdilao. napakaraming ‘accomplishments’ na nangyayari. Mabuhay ka Director Pagdilao at kina P03 Rolando Alvino, SP04 Ronald Alvaira at P03 Rufino Lace na tumulong sa mga biktima at tumutok sa kasong ito.

Mabuhay ang CIDG!

(KINALAP NI AICEL BONCAY) Sa gustong dumulog, ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Boulevard., Pasig Citymula Lunes-Sabado.

Follow us on twitter: Email: [email protected].

ALEXIS

BEDUYA

CIDG

LSQUO

MAKATI

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with