^

PSN Opinyon

Sandirit

- Al G. Pedroche -

BINABATI ko ang aking kaibigan at Cabalen na si John Manalili sa kanyang bagong lunsad na libro ng mga poesya sa wikang Capampangan na may pamagatang “Sandirit” na ang ibig sabihin ay matining na ikot. Marahil, ang mailalapat na English equivalent nito ay spin.

Proyekto ito ng Capampangan in Media Inc. (CAMI), isang samahan ng mga Pampango journalist sa pamumuno ng beteranong mamamahayag at Philippine Star Columnist na si Federico “Dik” Pascual. Isa sa mga adbokasiya ng CAMI ay ipreserba ang “Amanung Sisuan” na ang ibig sabihi’y wikang “sinuso” ng mga Cabalen naming Capampangan mula pa sa aming mga ninuno. Lahat naman ng wika ay nagsalin-salin sa iba-ibang henerasyon kaya dapat pakamahalin.

Nakalulungkot na sa maraming probinsya’y nalilimutan na ang sariling wika. Sa Pampanga halimbawa, kung napadpad ka roon at nagtanong lalu na sa mga kabataan sa wikang Capampangan, sasagutin ka sa Tagalog.

Okay naman iyan dahil ang Tagalog ang Wikang Pambansa ng mga Pilipino at kahit ikaw ay Ilocano, Capampangan, Bisaya o ano man ang iyong diyalekto, ang Wikang Pilipino (Tagalog) ang wikang nagbubuklod. Ngunit di natin dapat kalimutan ang ating sariling lengguahe na diyalekto kung tawagin lalu pa’t pare-parehong Capampangan ang nag-uusap. Para sa akin ang mga tinatawag na diyalekto sa Pilipinas ay mga lengguwahe dahil malaki ang kaibhan sa bawat isa. Isang bagay iyan na dapat nating ipagkapuri.

Sa pamamagitan ng libro ni John na ipamamahagi sa mga aklatan sa mga paaralan sa Pampanga, umaasa ang CAMI na maibabalik sa puso ng mga kabataang Capampangan ang pagmamahal sa sariling wika.

Angkop ang titulong Sandirit dahil sadyang napakabilis uminog ng pagbabago at pati ang mga bagay na pang-kultura at sining gaya ng sariling wika ay nadadamay.

Si John Manalili ay kapwa ko miyembro ng Board of Trustees ng CAMI at marami pa kaming inihahanay na programa gaya ng mga media forums, pagbibigay parangal sa mga matatanging Capampangan writers at iba pa na magbibigay ningning sa lalawigan ng Pampanga. At kahit di sabihin, maningning ang lalawigang ito dahil pinakamaraming nai-produce na Presidente mula kay Diosdado Macapagal, Corazon Aquino, Gloria Macapagal at ang Presidente natin ngayon na si Benigno Simeon Aquino III.

AMANUNG SISUAN

BENIGNO SIMEON AQUINO

BOARD OF TRUSTEES

CABALEN

CAPAMPANGAN

CORAZON AQUINO

DIOSDADO MACAPAGAL

GLORIA MACAPAGAL

JOHN MANALILI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with