^

PSN Opinyon

Anong 'care and protection of children'?

DURIAN SHAKE -

nanggalaiti sa galit si Vice Mayor Rodrigo Duterte noong maghahating-gabi ng Huwebes nang tinawag niya sa isang emergency command conference ang mga police precinct commanders sa siyudad kasali na si Senior Supt. Ronald dela Rosa na bagong Davao City Police Director.

Nagalit si Duterte sa lumalalang serye ng mga pagnanakaw at mga nagaganap na riot na kinasasangkutan ng mga menor-de-edad.

Walang magawa si Duterte kundi ihayag ang kanyang simpatiya sa mga pulis dahil nga kahit ilang ulit nahuhuli ang mga batang salarin ay bumabalik at bumabalik sila sa dating gawi dahil isip nila sila ay pinoprotektahan ng Juvenile Justice Law.

Parating may baon na birth certificate ang mga youth offenders na ito at ito ay winawagayway nila sabay ginigiit ang ipinagmamalaki nilang Republic Act 9344 o Welfare Act of 2006.

Talagang walang magawa ang pulis dahil pag huhulihin at ikukulong nila ang mga menor-de-edad na ito, kakasuhan naman sila ng paglabag ng RA 9344 at mga human rights groups.

Nakatali ang mga kamay ng ating mga otoridad dahil nga sa Juvenile Justice Law ni Kiko Pangilinan.

Kung ang layunin ng RA 9344 ay ang “care and protection of children”, taliwas nito ang nangyayari dahil ito pa ang nagdadala sa kanila sa daan patungo sa paggawa ng krimen.

Kinakailangan na talagang amyendahan ang RA 9344 dahil ito ay ginagamit at inaabuso na ng mga sindikato na sangkot sa illegal drugs at kung anong krimen.

Dapat ang age requirement ay hindi na 15 years old kundi babaan na ito sa may 9 o 10 years old.

Ibang-iba na ang mga kabataan ngayon kung ikumpara sa mga kabataan noon. Ang Internet ay isa sa mga nakapagbigay ng impormasyon at kung anumang mga input sa mga bagay-bagay kaya sila ay talagang mapangahas nang gumawa ng krimen dahil alam nila na protektado sila ng Juvenile Justice Law.

Kailan ba kikilos ang ating mga mambabatas sa pag-ayos ng nasabing batas na RA9344?

Kailan? Kapag ubos na ang ating mga kabataan at lahat ay lulong na sa droga kung hindi man ay ganap na na astig na kriminal?

Hindi pa huli ang lahat. Sana mauntog si Kiko Pa­ngilinan at aminin niyang siya ay nagkamali sa kanyang pinagmamalaking Juvenile Justice Law.

ANG INTERNET

DAHIL

DAVAO CITY POLICE DIRECTOR

DUTERTE

JUVENILE JUSTICE LAW

KAILAN

KIKO PA

KIKO PANGILINAN

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with